[42]

1.3K 80 7
                                    

DACREIN

"ano kamusta pagiging aso?" bungad na tanong ni bakekang

kundi ko lang 'to kain kanina ko pa siya sinampulan, grabe talaga syang mang-asar

sasagot na sana ako nang bigla namang sumingit si farrah, "syensya na ha? ganto lang ako hindi ako maganda" pinalungkot pa nito ang boses saka sila nagtawanan na nagpasimangot sa akin

mga walang hiya talaga!!

"dacrein nyo sad girl na" dagdag pa nito saka sila nag-apir

ako naman nakatingin lang sa kanilang dalawa na halos hindi na makahinga sa sobrang tawa nila, hindi ko gets kung bakit sila tumatawa.

"eto bili ka ng kape para talagang kay sabrina ka bumabangon lagi kang lutang sis pati kulangot ko kinain mo na" hagalpak na saad ni bakekang saka na naman sila nagtawanan

"dugyot ka talaga bakekang!" nandidiri kong saad at layo sa kanya

"huwag mo 'kong hahawakan ngayon dahil hinawakan ni sabrina kamay ko kanina" backfire nito na agad akong lumapit sa kanya at inakbayan sya.

"di ka naman mabiro bakekang kahit muta mo kakainin ko pa basta huwag mo lang hawakan ang akin gago meron ka na nga totodasin mo pa sa akin?!" kalma sa una at malakas ko itong binatukan

*pok*

"aray grabe ka naman!" daing nito

lumayo ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin, "huwag mo akong inggitin kung hinawakan ka nya" sagot ko at nauna ng pumasok sa classroom.

inilibot ko ang tingin sa paligid pero ang hinahanap ko hindi ko mahagilap, "wala pa sya mamaya ka na maging kwago" bakekang sabay ihip sa tenga ko na ikinagitla ko

sinamaan ko ito ng tingin at prenteng umupo sa gitna na dati kong inuupuan naghintay lang ako ng ilang minuto hanggang sa maaninag ko ito papapunta dito sa classroom namin kaya agad akong tumayo upang salubungin sya pero natigilan ako nang ihatid sya ni chester sobrang lawak ng ngiti at si sabrina unti-unting napasimangot ito

okay, mukhang badmood na naman sya dahil sa akin.

"thank you babe" pasasalamat nito at hinalikan pa nya sa pisngi si chester na halata sa mukhang nang-inggit

kaya napakuyom ang aking noo, "long time no see DACRE" saad nito habang nakatitig sa akin at pinagdiinan ang pangalan ko

"i said huwag mong sabihin baka may makarinig sa atin maissue ako" saway sa kanya ni sabrina na halos hindi na nya ako matapunan ng tingin

tumawa sya na may pang-aasar o sadyang ako lang 'tong nakapansin sa tono ng pananalita nyang nang-aasar?.

"here, your bag text mo ko kung magpapahatid ka bye babe" paalam nya

tumango naman si sabrina at tumalikod ito upang pumasok sa classroom ako naman ay tinignan ko sya ng masama bago pumasok.

tahimik akong umupo sa tabi nya na busy ito sa pagtitipa sa selpon nya, "bakit di mo sinabi na wala ka palang masasakyan? sabay na sana tayo" pasimple kong saad habang nakatingin sa kanya na natigilan ito at tumingin sa akin

Where's my body?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon