[44]

1.3K 102 14
                                    

DACREIN

5th day

bumalik ako sa condo nya ng maaga at agad na nag-ayos, "saan ka nagpunta kagabi?" bungad nyang tanong

hindi ko sya sinagot bagkos nagpatuloy lang akong nag-ayos ng mga gamit ko sa training ko mamaya, "answer me dacrein! saan ka nagpunta kagabi!" nagpupuyos sa galit nitong tanong ulit

matapos maiayos isinukbit ko na sa balikat ko ang sports bag ko at handa ng umalis pero hindi pa man ako nakakahakbang hinablot nya ang braso ko paharap sa kanya, "magbibingihan ka nalang ba? i said saan ka nagpunta kagabi?" pangungulit nito

napabuntong hininga ako at marahang tinanggal ang kamay nyang mahigpit na nakahawak sa braso ko, "bakit kung umuwi ba ako may pakialam ka ba? mag-aalala ka ba? sasalubungin mo ba ako? diba hindi? atsaka bakit pa ako mag-istay dito kung maririnig ko lang ang mga dapat hindi ko marinig, durog na ako sabrina inililigtas ko lang ang naghihingalo kong puso" saad ko

hindi ito nakasagot sa sinabi ko as if na mag-aalala sya sa akin baka pag naaksidente ako pagtawanan pa nya ako o matuwa pa sya dahil wala ng mangungulit sa kanya.

"magtiis ka pa ng 3 araw bibitawan na kita wala na akong rason para magtagal sayo dahil ikaw na mismo ang lumalayo sa akin" dagdag ko at iniwanan syang tulala

umuwi ako sa mansion at ngayon ko lang narealize na dapat pala hindi ko na sya pinilit pang magstay sa akin dapat pala hinayaan ko nalang syang mapunta sa iba kesa naman 'tong naging miserable ang buhay ko.



pagkarating sa academy dumiretso ako sa locker room para magbihis, "hey dacrein sama ka mamaya?" tanong sa akin ni sakura habang nagpapalit

"saan ba?" balik kong tanong habang isinusuot ko naman ang sapatos ko

"bar mamaya si ski nag-aya para naman magkapagliw-aliw din tayo kahit nakapagpahinga na tayo kahapon" sagot nito

napatango ako, "sige. sama ako" sagot ko bago tumayo

"buti naman at sasama ka sa amin ilang araw ka na kayang bugbog sa training" hannah

"oo nga, magaling ka na kaya magpahinga ka naman" sang-ayun ni mae sa sinabi ni hannah

"sus nambola pa kayo tara na nga!" natatawa kong saad

"totoo naman eh" singit naman ni nikki




habang tinatahak namin ang daan papunta sa field nahagip ng mga mata ko ang babaeng palagi kong iniisip na kahalikan ni chester sa madaming tao

"huwag mo ng tignan masasaktan ka lang" saad ng katabi ko pero nanatili akong nakatingin sa direksyon nila sabrina na katatapos lang maghalikan

"ano ba wala na ba kayong awa sa kaibigan namin?!!" nabigla kami nang may biglang sumigaw sa likuran ko

malumanay akong tumingin sa likuran si ski galit na nakatingin kila sabrina, "alam nating lahat na naging kayo ni dacrein respeto naman sabrina tao din sya nasasaktan din" dagdag pa nito

halata sa boses nya ang galit at lungkot kaya hindi ko napigilang mapaiyak ng biglaan, "don't cry dude" alo nito at yinakap nya ako ng mahigpit

"napapagod na ko ski gusto ko ng mawala..." humihikbi kong bulong

"no! huwag kang magsalita ng ganyan kaya mo pa okay? babae lang yan gusto mo samahan kitang maghanap? please wag kang mapapagod" he added

humiwalay ako sa kanya habang punas-punas ang pisngi kong hindi matigil-tigil ang mga luha kong bumagsak, "sorry guys sige tuloy nyo lang" paghingi ko ng tawad bago tumakbo papuntang field.

























6th day

last day namin ng training puspusan na dahil bukas na ang tournament, hindi ko sinabi kila bakekang ang nangyari sa hallway ayokong magalit sila kay sabrina kaya ililihim ko muna sa ngayon

"nice fonacier your improving!" complement sa akin ni coach

"thank you coach" sagot at nagpatuloy sa training

nagpahinga muna kami sandali dahil break time narin kaya agad akong tumakbo papunta sa cafeteria upang bumili ng mineral atsaka pagkain narin hindi para sa akin kundi para sa kanya baka hindi na naman kasi ito kumain.

nang makabili tumakbo ulit ako papunta naman sa gym sumilip muna ako napansin kong galit na galit ito kaya sinenyasan ko ang isa nyang kasquad agad naman itong lumapit sa akin

"bakit?" kunot-noo nitong tanong

"pakibigay sa captain nyo pinabibigay ni chester" sabi ko at bigay sa kanya ng pagkain saka tubig

nagtataka man ito ay tinanggap nya parin, sumilip ako sandali bago tuluyang bumalik sa field para magpatuloy sa training.







gaya ng dati nalate na naman akong umuwi kaya bumili ulit ako ng pagkain para sa aming dalawa, "kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya pagkarating sa condo nya

hindi ito sumagot, "bumili ulit ako baka kasi di ka pa kumakain" dagdag ko pa

"dito ako kakain" tipid nitong sagot kaya agad akong pumanhik sa kusina para ihanda ang kakainin nya

"bumili narin ako ng favorite mong yogurt" saad ko at inilapag sa glass table ang kakainin nya

kinuha ko ang bag ko at inabot sa kanya ang paborito nyang yogurt nagdadalawang-isip pa itong kunin pero kinuha nya rin kalaunan.

"last day ko na pala bukas" nakangiti kong saad habang nakatingin sa kanya

natigilan ito at agad na tumingin sa akin, "thank you sa 7 araw sabrina bukas na bukas matutupad na ang gusto mo, sana tuparin mo rin ang pangako mo sa akin na magiging masaya ka kay Chester" i added

nakatingin parin ito sa akin habang nakikinig, "sorry hindi ako lalaki na gaya sa mga pinapangarap mo, sorry sa pagsisinungaling ko" dagdag ko pa at umupo sa tabi nya

"i tried to erase every detail of your face, scent and everything in my head but i can't.. i can't erase you in my life just like a junk on my phone"

"can i touch your face?" paalam ko pero hindi parin ito nagsasalita kaya marahan kong hinawakan ang pisngi nya

"ang ganda ng girlfriend ni chester, he's lucky to have you" i said while i pinch her cheeks

"balang araw matitigan ko rin ang mukha mo sa kung pano kita nakilala, hindi sa kung gano kita minahal ng sobra" i whispered before i kiss her forehead






'until the stars align again, farewell my shinning star, shine bright without me.....'

A/N; shemay naiyak ako habang sinusulat ko 'to hahahahahah. damay-damay nato ayokong ako lang iiyak...

maya na ulit ung isang chapter.

Where's my body?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon