[45]

1.7K 113 27
                                    

DACREIN

Last day

gaya ng nakakagawian ko maaga akong gumising upang ihanda ang mga gamit ko, bago umalis pinagluto ko muna sya ng breakfast

pagkarating sa academy bumungad sa akin ang mga estudyanteng sunod na sunod na nagsisipasukan maaga palang pero andami na nilang pumupunta dito halatang suportado nila ang team nila, naglakad akong papunta sa locker room dahil don ang tagpuan naming lahat na mga athlete.

nadatnan kong seryosong kinakausap ni coach sila hannah, "goodluck guys!" sigaw nito

"yes coach!" sabay naming sagot

mukhang nalate ako hindi ako nakahabol sa meeting, "nalate ka kaya ako na magdidiscuss" ski na agad naman akong tumango

"so single and duo tayo kaya kailangan kong malaman ang galawan mo para magkaintindihan tayo sa loob ng court" paliwanag nito

"dating gawi ski basta ako na bahala don" sagot ko at inilabas ang raketa ko

"hayy. yan ang sinabi ko kay coach pero alam mo ang sinabi nya? ipaliwanag ko pa daw grabe talaga si coach pinagod ako" maktol nya na nagpatawa sa amin

"gago ka talaga ski" tawang-tawa na saad ni piolo sabay akbay nito

sumenyas naman akong lumayo ito na agad naman nyang ginawa, nasa likod lang namin si andrei sobrang sama ng tingin kay piolo hahahah. selos si lolo hindi makalapit sa amin dahil busy ang coach nila sa pagpapaliwanag sa kanilang mga basketball team.

nagthumbs up lang ako sa kanya na tinanguhan nya ganyan kami ni andrei nagsesenyasan lang gets na agad namin ang isa't-isa, ako ang nagbabantay sa bebe nya at sya naman ang nagbabantay kay sabrina para sa akin magkatabi lang naman kasi sila nong nagtratraining sila sa half court at sa kabila naman ay mga cheerleader squad.

nakalimutan kong sabihin na siya ang source ko about kay sabrina kung hindi ito kumakain to the rescue ako syempre ayoko kayang magutom ang baby girl ko, sa isiping 'yon di ko maiwasang malungkot hindi ko na sya pagmamamy-ari.

nauna kaming mga tennis player na pumunta sa field upang mailine-up na kami kung anong oras ang laro namin at napag-alaman naming 3 ng hapon pa kami kaya malaya kaming makapag-ikot-ikot pa.








naglakad-lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa secret garden na abala sila chester sa pagdidisenyo sa lugar, "i hope she like my surprise" nakangiti nitong bulong na rinig na rinig ko

"magugustuhan nya yan si sabrina pa na paborito ang surpresa" saad ko na ikinalingon nya sa pwesto ko

lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat nya, "pwede ba kitang makausap kahit ilang minuto lang?" paanyaya ko

seryoso lang itong tumingin sa akin at nauna na itong naglakad papunta sa medyo may kalayuan sa secret garden, "anong gusto mong sabihin?" malamig nitong tanong

ngumiti ako ng mapait sa kanya, "hihiling sana ako" wika ko

"kung si sabrina ang hihilingin mo hindi ako makakapayag ngayon pang natutunan na nya akong mahalin" pagdadamot nito kay sabrina na nagpangiti sa akin

Where's my body?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon