[54- Sariya]

1.7K 105 8
                                    

DACREIN

"nahihirapan tayong makahanap ng bagong supplier any suggestion?" saad ng aking kuya sa harap

napaisip ako sa problemang kinakaharap namin nagsipull-out'an ang mga supplier namin sa hindi malamang dahilan

nagtaas ng kamay si mr. perez, "yes mr. perez?" casual na pansin ni kuya


"may kilala ako and they planning to expand there company here in manila so we can talk to her na maging supplier natin habang hindi pa sila nakakahanap" saad nito

napatango ako sa sinabi nya, "hindi masamang igrab natin ang opportunity kuya lalo na't kailangan na kailangan natin" singit ko

napatango naman ang lahat sa sagot, "kung busy kayo ako nalang makikipag-usap" dagdag ko pa

"sakto bumyahe na sila kahapon so tomorrow i talk to her para masettle ang meeting" mr. perez

"see? madali lang masolusyunan ang problema kung lahat ay sumasang-ayon" bagot kong saad bago tumayo

"uuwi na ko" paalam ko bago lumabas ng conference room







nag-away kasi kami ni kuya about sa problema i suggest na magtanong muna ito pero inuna nyang magalit sa akin kaya di mapigilang magkasagutan tsk. kaya kong patakbuhin ang company pero hindi sa ngayon pinipilit pa kasi nilang ipasa sa akin, i didn't even enjoy my life! hindi ko pa nakikita si sabrina

hangga't hindi ko sya nahahanap hindi ko aakuin ang lahat sya lang ang tanging magpapasunod sa akin, "gosh! i want a burger" iiling-iling kong bulong bago paharurotin ang kotse ko papuntang malapit na mall













FUENTABELLA MALL

pagkarating agad akong bumaba pero hindi pa man ako nakakalayo nakita ko ang batang babaeng umiiyak sa gilid sa hindi malamang dahilan bigla akong humakbang palapit sa kanya.

ewan ko ba kung bakit hinihila ako ng paa ko puntahan ito, "are you okay kid?" nakangiti kong tanong at lumuhod sa harap nya

tumigil ito sa pag-iyak at minasdan nya ako, "nawawala ka ba?" i asked her and she nooded

"Where's your mom?"

"i don't know" papaiyak na naman nitong sagot na agad kong ikinataranta

"ssshhhh. shhh don't cry hanapin nalang natin sya" pag-aalo ko na agad nyang tinanguhan

madali lang itong mapatigil sa pag-iyak hindi kagaya sa ibang bata na mas uunahing umiyak kesa makinig, tumayo ako at nagtaka ako nang bigla nyang hinawakan ang pants ko

"buhat" nakapout nitong saad na ikinangiti ko bago sya buhatin

"sure baby" sagot ko at nagsimulang humakbang papasok ng mall

naglibot-libot kami pero ni isa walang lumapit sa akin napansin ko na ring papaiyak na ito, napabuntong hininga ako bago tumigil sa food stall na paborito ng mga bata.

"JOLLIBEE!!!" malakas nitong tili na halos mapatingin ang mga tao sa amin

"are you hungry baby?" natatawa kong tanong sa kanya na agad nitong tinanguhan bago tuluyang pumasok

nag-order ako ng burger at sya naman ay pinapili ko, "thank you" nakangiting saad ng cashier bago iabot ang credit ko na agad kong tinanguhan

"baba muna kita ha? di ko kasi mabuhat pagkain natin pagbuhat kita" paalam ko bago sya ibaba

pagkababa palang nya agad itong yumakap sa legs ko na parang tuko, "ang kyut naman ng anak mo" natutuwang saad ng ginang

i chuckled, "magkamukhang makamukha kayo halatang trinabaho ka" dagdag pa nito na ikinahalakhak ko

"no ma'am she's not my daughter pero kung pwede lang... aangkinin ko sya" pagbibiro ko

natawa ito sa sinabi ko, "don't deny it look at the mirror kopyang-kopya ng anak mo ang itsura mo sa hugis palang ng mukha at mata mo" pagpupumilit pa nito na nginitian ko nalang

"oo na po anak ko na" napipilitan kong sagot bago maglakad papunta sa bakanteng table.


pagkalapag ng tray nagsimula na itong kumain pinagmasdan ko lang sya, kung kilala ko lang 'tong bata na' to iisipin kong anak ko talaga pero malabo ih. si sabrina palang ang nakamake love ko at possible ding makabuo kami antagal narin nong panahon na yon.

"dada can you buy a happy meal?" pagpapakyut nito

parang may kumurot sa puso ko nang sambitin nya ang dada ang sarap pala sa feeling na tawagin ka non, kung nagpatawad lang sana ako ng maaga hindi sana mangyayari 'to naging miserable ang buhay ko dahil sa katangahan ko

isinawalang bahala ko na muna ang sakit na nararamdaman ko kaya ko pa syang hintayin...



"napanood ko sa t.v powerpuff girls toys don dada so please? i want a happy meal" pangungulit nito

kumunot ang noo ko, "happy meal?" ulit ko sa sinabi nya

"yah! sa mcdo po yon" sagot nya habang linalamutak ang chicken joy

natawa ako sa sinabi nya, "bat di mo sinabi ng maaga? sa mcdo sana tayo kakain" natatawa kong saad

umiling ito sabay lapag ng chicken joy at tingin sa akin, "secret lang po natin dada ha? i love mcdo... but i love jollibee more" bulong nito sa akin

i chuckled, ibang klaseng bata mukhang loyal sa happy meal pero mas lalong loyal sa jollibee HAHAHAHHAHA.

"sure, but for now eat" natatawa kong utos sa kanya at nagsimula naring kainin ang burger.








nang matapos kumain kaming pumunta sa mcdo pagkatapos makabili ng happy meal dumiretso kami sa amusement park ginawa ko na ang lahat huwag lang itong maalala na nawawala pero sa nakikita ko nag-eenjoy syang kasama ko at patuloy parin nya kong tinatawag na dada na sobra kong ikinatutuwa para talaga kaming mag-ina na nagbobonding HAHAHAHAH.

"andito ka lang pala sariya!!!" saad ng lalaki sabay buhat sa kanya

ilalayo na sana nya ito pero agad ko syang pinigilan, "sandali!" pigil ko na agad naman silang tumigil

"anak mo ba sya?" pag-uusisa ko

"yeah. thank you sa pagbabantay ng anak ko" casual nitong sagot

lumingon ako kay sariya pala ang pangalan napakacute, "tito she's my dada look oh. kinuha nya favorite pet ko and blossom" saad nito sabay pakita sa stuff toy na bunny na nakuha ko kanina sa claw machine at powerpuff girls na si blossom

"diba sinabi kong huwag kang magtitiwala sa stranger? pano nalang kung masama pala syang tao? kanina pa nag-aalala ang mommy mo sayo" pangaral nya sa bata na ikinayuko ni sariya

naoffend ako sa sinabi nya ako na nga tumulong ako pa naging masama?, "wag mong masyadong pagalitan ang bata, ako mismo ang lumapit sa kanya" depensa ko

"kahit na! hindi parin dapat nagtitiwala!" rason nito na ikinatirik ng mata ko

"okay na sana nagpasalamat ka na pero ang sisihin ako sa kapabayaan mo sana tinanong mo muna sa sarili mo kung sino ang tanga sa atin atsaka bata yan hindi kaedad mo na papagalitan mo wala pa yang alam" naasar kong saad

natahimik ito sa sinabi ko, "kung anak ko yan hindi ako magiging pabaya kagaya mo tsk. nagmamalasakit lang ako hindi kidnapper" dagdag ko pa

"mukha mo palang pangmodus na" pang-iinsulto nito na ikinarita ko mas lalo

kung di lang nya buhat-buhat si sariya tangina binanatan ko na 'to pero dahil ayokong mabahiran ng dumi ang kamay ko magpipigil nalang muna ako may next time pa, kaya tamad kong inilabas ang wallet ko at hinagis sa mukha nya ang calling card, "dacrein fonacier man" plain kong sagot bago maglakad palayo sa kanila

narinig ko pang tinatawag ako ni sariya pero hindi ko na inabalang liningon ito baka makidnap ko talaga sya dis-oras sa sobrang kakyutan nya....

Where's my body?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon