Chapter 8 | see you sa 1

4 0 0
                                    

Bumalik ako ng Edmonton ng napakasaya. Yes, we are together. We decided to try it out, to work things out. We started a new chapter together. Creating memories together.

Nasa bahay lang ako lagi kasi di muna ako pumasok sa trabaho. Siya naman araw araw may pasok. Pumapasok ng maaga nauwi ng gabi.

"How's work love?" Tanong ko sa kanya.
"Okay naman bebe. Dami lang ginawa sa work kaya nakakapagod" paglalambing niyang sabi.

Araw araw ganon lagi ang sitwasyon namin. Pag nagigising ako sa umaga, mga morning messages niya agad hinahanap ko. Pagdating ng gabi mga calls at messages niya agad yung hinihintay ko.

"Love tingnan mo to oh. Ang mura lang ng plane ticket. December 1-8 to siya" sinend ko sa kanya yung screenshot ng plane fare.

Akala ko di niya kukunin kasi madami raw siyang ginagawa.

"See you sa 1 love" sobrang saya ko non. Finally magkikita ulit kami. 3 weeks din kami hindi nagkita kaya masaya akong makakapunta siya dito.

Sinabi ko sa mga kapatid at pinsan ko. Sobrang excited din sila kasi wala naman akong kinikwentong lalake sa kanila maliban kay jezer.

Curious sila kung sino daw yung lalakeng gumayuma sakin kasi ako naman daw yung babaeng mabilis magsawa sa isang lalake. Yung parang isang beses pa lang kami nagkita tapos kapag di ko nagustuhan igo-ghost ko na the next day.

1 week before ng flight niya ay nagbibilang na ako. Kada gising ko sa umaga sobrang laki na ng ngiti ko.

"4 na araw na lang. magkikita na ulit kami" paninigurado ko sa sarili ko. Masaya naman kami. Araw araw niya akong pinapangiti, walang palya.

I had everything when I had youWhere stories live. Discover now