Chapter 5 | what a night

2 0 0
                                    

Almost 1am na pala. Di kami pwede magtagal don kasi baka malasing si bryan at craeg at kate magda drive pa naman yung tatlong yun.

"Sabihan niyo ko pag nakauwi na kayo ha? Bry pagitnaan niyo si kate" bilin ko sa kanila bago ako pumasok sa bahay.

Magkausap pa rin kami ni itlog. Lasing na lasing na rin ako at naikot na paningin ko. Ang dami naming pinag usapan. Almost 3am ng maisipan niyang matulog.

"Itlog matutulog na ako" inaantok niyang sabi.
"Ah gusto mo ng matulog?" Pabirong tanong ko na may kademonyohang iniisip.
"Ayaw mo ata akong patulugin e haha" di sa ayaw pero kasi di pa ako makatulog tapos wala naman akong ibang kausap.

That night we had a moment. A moment na di ko inakalang magagawa ko. Wala ako halos matandaan sa sobrang kalasingan ko rin. Pero after that night, araw araw na kaming nag uusap. Nagvivideo call hanggang umaga.

I'm falling for him. I know napaka bilis pero wala naman sa gaano ka tagal yan. You can be with someone for 5 years and still leave you. You can be with someone for 3 months and they'll be with you 'till the end.

Wala sa tagal ng panahon nababase yung pagmamahal. Kung alam mo sa sarili mo na mahal mo yung tao mahal mo talaga. Kasi di ka naman masasaktan kung di ka nagmahal.

Ilang araw din kaming ganon. Nagiging kumportable na rin kami sa isa't isa. Ang bilis din ng panahon. Akala ko magiging okay na ang lahat pero biglang may nagbago.

From talking everyday to being strangers one day. Yan yung nangyari. He had a girlfriend. Cool off lang pala sila kaya nakakapag usap kaming dalawa.

Nalaman ko na lang kasi biglang nag message yung babae sa akin. 1 year na sila and nagsisimula na sila ulit. Di ko alam kung anong mararamdaman ko.

Once again, I was betrayed. Na disappoint ako sa sarili ko kasi nag expect ako. Expectations hurts us the most. Kaya kung walang kasiguraduhan, huwag ka muna mag expect.

Ang dami kong gusto itanong sa kanya. Kung bakit ganito at kung bakit sa akin pa. Pero I guess that's just life. Hindi talaga mawawala yung mga "bakit" sa buhay natin.

He explained himself naman kaya I had no choice but to let him go. Kasi di naman siya naging akin in the first place.

I had everything when I had youWhere stories live. Discover now