Nasa bahay kami kasama ko si bryan at kate. Hinihintay namin sila gio at craeg dahil may party kaming pupuntahan.
Nagka problema pala si gio at kate dalawang araw mula nung umuwi sila galing bahay. Si gio kasi babaero. Akala namin nagbago na siya simula nung nagkakamabutihan sila ni kate.
"Ano ba kasing nangyayari sa inyong dalawa? Okay naman kayo nung umalis kayo ng bahay ah? Tanong ko na naguguluhan.
"Yun na nga okay naman kami tapos bigla na lang siya naging cold. Magkasama nga kami sa sasakyan pero di naman siya naimik" lokong gio. Alam niya naman na mahal siya ni kate tapos ganon pa.
"Hayaan mo na muna yun. Mare realize niya din yung mali niya" pangungumbinsi ni bryan.
9pm ng dumating ang dalawa. Pero si gio hindi nag iisa. May kasamang babae na ex pala niya. Gago talaga. Dalawang kotse dala namin. Ako, si bryan, kate at craeg tapos si gio at yung angela naman sa kabila.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko kay kate.
"Hindi" sabay iyak niya. Buti na lang malayo layo pa yung house party kaya nakapag kwento siya.
Habang nagke kwentuhan silang tatlo bigla kong nag open ng messenger. Nakita kong online si jezer kaya minessage ko siya.
"Hi"
"Aloha"
"Anong ginagawa mo?"
"Wala naman masyado, ikaw?"
"Ito nakikinig sa broken kong kaibigan"
"Ano bang nangyari?"
"Babaero yung lalaki. Magbigay ka nga ng advice total mukhang babaero ka naman"
"Luhh babaero agad?"
Curious ako sa mukha niya kaya bigla ko siya natanong kung pwede ko ba makita mukha niya? And nagulat ako kasi pumayag naman siyang makipag videocall.
"Gusto mo marinig yung drama sa sasakyan nato? Hahaha"
"Pwede pwede"
Nag uusap lang kami habang si kate nagke kwento tapos si bryan at craeg todo advice. Wala naman akong mai advice kasi single ako I support break ups hahaha joke lang.
Nasa party na kami. Maraming tao at yung iba medyo lasing na rin. Kumain lang kami saglit tapos naki inom na. Nag uusap pa rin kami ni jezer. Itlog na pala tawag ko sa kanya. Nakakatawa nga kung bakit itlog e hahahaha.
One time kasi nag chat ako sa kanya ng manok tapos don sa manok may lalabas na reactions. Tapos hinahanap ko yung itlog don tapos sabay sabi ko sa kanya na nangitlog yung manok hahahaha.
Anyways, buong party nagcha chat lang kami. Minsan tinatawagan ko si itlog para makatakas sa inuman kahit saglit lang kasi nalalasing na din ako.
YOU ARE READING
I had everything when I had you
RomanceI met you online but I loved you dearly. Will it work the way I wanted it to be? Or is it just another lesson? A temporary happiness in this world full of permanent sadness.
