Chapter 9 | here he comes

4 0 0
                                    

December 1 na at ito na yung araw ng flight niya. Na late pa ako ng gising kaya sobrang pagmamadali yung ginagawa ko ngayon kasi susunduin ko pa siya sa airport.

"Ayiee excited na siya" pangangantyaw ni mitzi.
"Syempre ate mitzi kahapon pa yan di mapakali" sabat naman ni meheart.
"Alam niyo makinig na lang kayo ng mabuti sa teacher niyo at tigilan niyo yung lovelife ko" natatawang sambit ko.

Paano ba naman may online class tapos nakikipag asaran pa sakin. Di na lang makita ng maayos don e magkikita naman din sila mamaya kasi sa bahay din kami didiritso.

"Love, andito na ako"
"Sige papunta na ako" reply ko habang nasa loob ng sasakyan.

Di naman ganon kalayo yung airport mula sa bahay. Mga 20 minutes lang yung byahe ko at wala namang traffic kaya mabilis lang ako nakarating don.

Pagkarating ko sa airport naupo lang ako sa mga arrival seats. Di pa siya nababa kaya don na muna ako naghintay. Siya yung pinahanap ko sakin kasi mas makikita niya ako agad.

"Hi!" Sabi niya nung nakita niya na ako.
"Hi, how's your flight?" Sabi ko sabay yakap sa kanya. Damn na miss ko tung lalakeng to.

Nagku-kwentuhan lang kami sa loob ng sasakyan habang papunta kaming bahay. Natatawa nga ako sa reaction niya nung papa land na daw sila.

"Sobrang flat talaga ng edmonton ano?" Di makapaniwalang sabi niya.
"Sabi ko naman sayo diba? Dito wala kang hill na madadaanan sa daan. Di gaya ng vancouver na pa hill yung mga daanan" natatawa ko na lang na sabi.

Nakarating kaming bahay na nago-online class pa ang dalawa. Si mitzi at meheart. Nag hi lang sila at pumasok muna kami sa kwarto ko para makapag pahinga siya at para maibaba niya yung gamit niya.

"Nakita mo na rin yung kwarto ko hindi lang sa screen ng telepono" sabi ko na natatawa.

Nagpahinga lang kami saglit tapos aalis maya maya papuntang mall kasama yung kapatid ko at yung boyfriend niya. Sa wakas di na rin ako thirdwheel gaya dati.

I had everything when I had youWhere stories live. Discover now