"LET'S GO WOLVES!!!" The crowd chants. Nagkakagulo yung mga manunuod. We're watching Marcus' championship game.
The opponent team is the British Private College, the rival school of Cervantes Institute our school.
"Kuha na nina Marcus iyang second set, diba Les?" tanong ni Michelle habang tutok na tutok sa panunuod.
"Siguro nga. Tingnan mo naman si Marcus, pakitang gilas eh HAHAHA" Lesley answered while laughing. Tumawa nalang din kami. The second set game went well for the Cervantes.
Watching this game is a requirement for me kasi I need to publish a highlight of this game. Same as Michelle, she's one of the organizers of this event because she's part of the student government. In the univesity, I'm part of Siklab the campus jounalism.
"Oy nagsub sa kabila oh!" Kana chanted. Ang dami talagang napapansin ng babaeng ito. Nacurious din naman ako kaya sumagot ako. "Sino kaya yan?"
Nagulat nalang kami ng biglang nagsisigaw yung katabi namin. They are from the kalaban school pala.
"AYAN NA!! LALARO NA SI RYLEEE!" sigaw nung isa na para bang galit na galit sa mundo.
"KANINA KO PA INIINTAY NA LUMARO SI RYLE EH!" sigaw din nung kasama nung isa na nauna.
Pero syempre hindi kami papatalo sa cheering hahaha. Nagkatinginan kaming apat at sabay- sabay sumigaw.
"GO BABY MARCUS!" tapos nagtinginan na sa amin yung ibang nanunuod. Nakakahiya pero tumawa na lang kami.
Pero magaling pala yung pinasok ng wolves. Matagal na ako nagcocover ng mga sport events pero ngayon ko palang nakita yung Ryle. Siguro he's a tranferee. Naagaw kay na Marcus yung momentum at naging 2-2 na yung game. Last set na pero dikit pa rin yung laban. Nahihirapang makareceive ng bola yung kakampi ni Marcus everytime na yung Ryle ang papalo.
"Mine!" biglang sigaw ni Marcus pero nablock yung spike niya pero na received din agad. Ang hindi inaasahan ng kalaban ay ang sudden na spike ng kakampi ni Marcus without setting the ball. The crowd went wild. Parang nung simula pa lang, nagkagulo ang mga tao. The wolves lost. A one-point difference pero nakakalungkot pa rin. Pero the good news is panalo kami.
Agad kaming bumaba sa court para lumapit kay Marcus. They are having the picture taking nung nakababa kami. Hindi pa man tapos yung official na picture nung ka-org ko, ay nagtatakbo na si Marcus sa amin.
He went on all smile to us.
"Nakita mo ba yung dig ko Kana? hahaha ako lang nakakagawa nun" pagmamayabang niya samin
"Ang yabang mo talaga kahit kailan. Pasikat ka masyado!" pagtataray naman ni Kana
Natigil yung asaran nung dalawa nung lumapit si Ryle sa amin
"Congrats pre. Nice game, Ryle Santiago nga pala." tapos nakipaghandshake siya kay MarcusAgad namang tinanggap ni Marcus ito " Marcus pre. Nice play ha. Ganda ng laro mo. These are my friends pala, Si Lesley, Michelle, si Kana daldalita" tapos pinagtuturo niya isa isa"at ito si- " pero bago pa maituloy ni Marcus yung sinasabi niya na-interupt agad siya ni Ryle
"She's Kianna right? Ryle nga pala. I've heard a lot about you" what? saan naman kaya niya nalaman kung sino ako. Inabot ko nalang rin yung handshake niya.
"Ryle let's go" sagot ng isang baritonong boses. Pag- angat ko ng tingin, he's Mico Saige the captain ball of the basketball team ng kabila. Anong ginagawa nito dito? together with his basketball teammates din. Nagkatingin kami at bigla na lang siyang ngumisi. Feeling pogi lang?
"Okay kuya. I just introduced myself to them" what uli? Magkapatid pala sila ni Mico?
"Sige tol. See you around" paalam naman ni Ryle kay Marcus. Tumango nalang itong isa naming kasama.
Nung nakalayo na sila, biglang nag-sisigaw si Kana na parang kinikilig.
"Napapaano ka na naman ba?" naiinis na sabi ni Marcus. Kahit kailan talaga, lagi na silang magka-away hahaha
"Kinikilig ako! OMG! Kinikilig talaga akoo!" titili na sabi ni Kana
"Crush mo ba si Santiago?" curious na tanong ni Lesley
"Hindi ha! Nagfollow kaya yung si Mico kay Kianna nung kabilang linggo!" excited niya sinabi. Pero paano niya nalaman?
"Paano mo naman nalaman?" tanong ko agad kasi nagtinginan agad sakin yung mga kasama namin
"Nakita ko kaya yung mga tweets mo, puro like ni Mico" nakangiti nitong sabi
Naunang maglakad si Marcus samin "Maliligo lang ako intayin niyo ako sa carpark okay?"
Tumango nalang kami at nagsimula na maglakad.