CHAPTER SIX

2 1 0
                                    


Naptapos na yung semester namin yesterday. Wala akong balak pumasok today kasi for sure completion lang yan hanggang Friday and babalik ako sa condo ng Sunday. It's already 11 am but breakfast ko pa lang ito. Parang gusto ko mag-uli or maglaro today to ease my boredom dito sa bahay.

"Tanghali na gising mo ah!" Kuya Silv said nung papasok kami sa kitchen


"Napagod eh. Ano breakfast?" sabi ko then I drank 2 glasses of water. Daily routine ko na nauminom ng tubig, sabi kasi ay nakakafresh ito.

"Nagkape lang ako kanina eh. Pero sabi ni Manang may fried rice daw diyan and hotdog." sagot naman niya habang hawak ang phone niya. I suddenly remebered my phone, lowbatt yata haha at hindi ko naicharge.

"Pang kanina pa yun eh. Gusto mo kuya pasta?" tanong ko naman sa kanya kasi bigla akong nagcrave sa carbonara with a lot of cheese eh

"Ako missy gusto ko yan! Miss ko na luto mo dito" sabi naman ni Kuya Ali na halata mo ring kagigising lang

Ano pa bang bago? Syempre puyat din yan, malamang naglaro na naman sila ni Kuya Silv. 

Nagsimula na ako mag-gather ng ingredients and paglulutuan ko.

"Kuya Silv laro daw tayo mamaya. Tumawag si Rex kanina eh sa kabilang village lang daw" sabi ni Kuya Ali at tumango lang si Kuya Silv sa kanya

Dahil nga naiinip ako, kahit nagluluto pa ako ay inaya ko sila na maglaro. I told them na Tekken7 gusto ko laruin, pero tinawanan lang ako ni Kuya Ali.

"Baka naman umiyak ka pag natalo kita" he smirked na nang-aasar sakin

"Kuya praktisado ako. Tanong mo pa kay Kuya Silv. Baka ikaw umiyak" pang-aasar ko rin sa kanya habang hinahalo ko yung ginigisa ko na sibuyas at bawang

"NBA 2K19 na lang oh" hamon naman niya sakin. Nakakatawa ka kuya, diyan mo pa talaga ako hinamon ha

"Ikaw bahala basta pustahan ha"para naman may excitement yung laro namin

"Sige call ako diyan. Ano ipupusta mo?" tanong niya sakin. Napa-isip naman ako sa pwede kong ipusta

"Limited edition na sapatos. Free of choose" sagot ko naman sa kanya. Agad napatayo si Kuya Silv sa sinabi ko

"Sali ako diyan! Ipupusta ko yung camera and different lenses ko. Bigay na lang" Jusq. ipinusta na ni Kuya Silver yung camera niya, eh hindi niya nga iyon pinapahiram eh.

"Ang gaganda ng pusta ah. Yung credit card ko na lang no limit for one day." mayabang nasabi ni Kuya Ali.

Hah! Humanda ka Kuya Ali sa sermon ni Mommy at Daddy sayo. You'll regret na credit card pa ipinusta mo ha.

"Call na ako diyan ha! Manalo lang talaga ako  kawawa kayo" sabi ko sa kanilang dalawa na nakangisi.

Nag-aasaran kami ng may biglang tumawag kay Kuya.

"Oh pre? Problema mo?"

"Ah sige. Dalawa lang muna kayo?"

"Okay sige diretso nalang kayo."

"Okay tol. Ingat" at ibinaba na nila yung tawag

"Pupunta dito ang mga tukmol?" tanong naman ni Kuya Silv. Oo nga pala, Kuya Silv is in his 5th year na ng while Kuya Ali is 4th year they are both taking Civil Engineering.

"Oo chill daw muna. Namiss daw dito sa bahay at 2 weeks hindi nagpunta ang mga iyon dito" sabi naman ni Kuya. Siguro yung mga barkada nila yun.

You're My Best PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon