Nagpalit lang ako ng top tapos sandals and kumuha ng bag for essential ko. I putted my wallet, cellphone, baby powder, tissue, ballpen and candy. Ayan yung mga bawal mawala sa bag ko pag-aalis ako lalo na yung candy kasi minsan may hindi ako gustong lasa na nakakain. Bumaba na rin afterwards.
"Bagal talaga ng babae kahit kelan!" sabat ni Mico pagbaba ko. Ayan na nga po nagsisimula na siya
"Wala kang pake. Mauna ka na" pagtataray ko sa kanya. Kasi nakakaasar e
"Lagi na kayong nag-away dalawa. Tara na sa labas" aya na sa amin ni Kuya Ali at nauna na lumabas. Naiwan sa kasabay ko ang tukmol
"May jacket ka bang dala?" tanong naman sakin ni Mico palabas
"Aanhin ko ang jacket? Di naman naulan?" takang tanong ko dito. Paepal na naman eh
"Pangcover diyan sa hita mo pati diyan sa balikat mo, sleeveless ka pa ha "turo niya pa naparang naiinis. Anong sleeveless? may kamay naman suot ko ah! Bwiset na ito
"Eh bakit ako magcocover edi sana nagpants na lang ako, saka top ito hindi sleeveless"sabi ko sa kanya ang labo ha! Binilisan ko maglakad at sumakay na sa sasakyan. Kaming tatlong magkakapatid dito while yung tatlo tag-iisa ng sasakyan. Yaman eh.
"Kuya akala ko ba kabilang village lang bakit nakasasakyan pa?" sabi ko sa mga ito, kasi pwede naman kaming sumabay na lang dun sa tatlo e
"Maghangout pa daw eh. Kaya nagdala na ng sasakyan" sabi naman ni Kuya Ali
"Pero hindi tayo papahatinggabi Ali ha, we have Kianna with us" sabi ni Kuya Silver. Tumango na lamang si Kuya Ali. A good thing pagkasama nila ako sa hangout nila or night out, hindi kami umuuwi ng sobrang gabi, umaga lang hehe chars.
Mayamaya pa ay andito na agad kami sa court kung saan sila maglalaro. There are few na mga audience, mostly lalaki kokonti ang girls na manunuod ngayon.Nagsipagpalit agad yung mga lalaki kong kasama at umuna na ako sa bench, kasi nakita ko si Kuya Rex and their other team mates.Si Kuya Rex ay pinsan ni Mico pero mas close kami kesa sa pinsan niya bestfriend ni Kuya Silver si kuya.
"Kianna buti kasama ka!" sabi ni Kuya tapos inabutan ako ng tubig, di naman ako player binigyan ako mineral water.
"Napilit kuya eh. Sa kulit ba naman ng mga kuya ko" sabi ko naman sa kanya at nagtingin tingin sa mga kalaban na players
"Ganda ng OOTD natin ah! May photoshoot ka ba?" natatawang tanong nito sa akin
Kuya Rex just gave me an idea! Kesa naman manuod lang ako, manghihigit ako ng players mamaya para magpicture
"Kuya gusto ko iyang idea mo! Manghihila ako ng team mates mo mamaya habang naglalaro kayo hahaha" sabi ko kay kuya
Tinawanan na lang ako ni Kuya dahil nakita kong palapit na ang mga kasama ko kanina
"Missy panuodin mo ko and my plays ha!" pagmamagaling ni kuya Ali
"Galingan mo muna bago kita panuodin" sabi ko sa kanya tapos iniabot ko kay Kuya Silver yung bag niya
"Kianna watch carefully ha, tingnan natin powers mo dito" asar sa akin ni Kuya Silver
"Anong powers naman iyan? "sabi ni Lorde habang hawak cellphone niya
"Kili-kili powers ba iyan?" nakakalokong sabi ni Lucas
"Siraulo!" sigaw ko dito at tumawa
"Magaling mag-analyze si Kianna ng mga game plays eh. Sports analyst yata talaga iyan" sabi naman ni Kuya Ali