"One week nga kami dun, susulitin daw ni dad yung vacation niya sa work eh" sabi ko kay Mico habang magkausap kami via FaceTime.
Bukas paalis kami papuntang Batanes. Ito yung naplanned namin nung umuwi ako last time.
Nakita ko namang lumungkot ang expression ng mukha niya. Kanina ko pa ipinaliliwanag sa kanya na aalis kami at babalik din naman.
"Ang tagal naman love eh. Mamimiss kita niyan miss na nga kita agad eh. Tapos baka maraming lalaki dun yung damit mo ha." mahaba niyang sabi habang nakanguso. Ang cute niya grabe.
"Alam mo bang ang cute mo po? Saka anong miss agad? galing ka lang dito kanina" sabi ko habang natatawa
"Alam kong cute po ako. Love sama na lang ako! Sige na" pacute pang sabi nito sa akin. Bakit ang cute niya ngayon?
"Okay sasabihin ko kay na mommy na sasama ka, sama mo na rin sina Lucas." I gave up. Di ko matiis iyon
"Grabe ang bait talaga ng girlfriend ko! Thank you love!" natuwa naman ako nung makita ko siyang nagsmile uli.
"Anong girlfriend? Future girlfriend palang oy!" sabi ko sa kanya habang nang-aasar
"Girlfriend pa rin yun love. Sina Marcus pala?" tanong naman niya. Gusto ko rin sana iinvite yung mga yun kaso may mga family trips rin sila ngayon
"Wala eh. May trips din sila ngayon" sabi ko sa kanya
"Love excited na ako! Bawal ka magswimsuit ha!" sabi nito sa akin na nagbabanta. Kelan ba pwede?
"Alangang maggown ako sa beach Mico!" sinabi ko sa kanya habang naasar
"Ah basta bawal. Bawal talaga di mo na ako mapipilit. Love you" matigas na sabi nito
"Mama mo bawal! Edi bahala ka sa buhay mo" tapos pinatay ko yung tawag namin. HAHAHA maasar na naman yun kasi pinatayan ko siya ng tawag habang may sinasabi pa siya.
Actually tapos na ako sa pagaayos ng gamit. Puro shorts and summer dresses ang dala ko kasi alam ko naman bawal ako mag swimsuit because of my overprotective father and kuyas. I packed two swimsuits for the inner of my dress.
Bumaba ako para sabihin kay na mom na sasabi sina Mico pero pagbaba ko nasabi na pala ni Kuya Ali sa kanila
"Okay no problem. The more the merrier. Saka mag one on one kami ni Mico duon" sabi ni Dad kaya napatawa sina Kuya Silv
"Dad mabangis yun sa court" sabi naman ni Kuya Silv
"Siya lang ba mabangis? "pagmamayabang ni dad naman kaya nagtawanan kami.
We're cool sa family namin. Lagi na siyang nakakabisita dito simula nung sembreak and nakakabuild kami ng bonds dun.
Katatapos lang namin kumain ng dinner at nasa salas ako habang nanunuod ng Phineas and Ferb. Sina mom naman ay maagang natulog dahil maaga nga kami aalis bukas. 4am daw ay aalis na kami dahil 10 hrs ang biyahe by land.Isang sasakyan lang yung gagamitin namin para naman hindi pagod ang driver. Si Kuya Silver ay naglalaro dito sa tabi ko while Kuya Ali is in his room maybe packing his things. Silang dalawa ang driver namin bukas. Maghahalinhinan silang dalawa.
"Kianna!" sigaw ni Kuya Ali galing sa taas
"Bakit kuya? Andito ako sa baba!" sigaw ko rin pabalik
"Hinahanap ka ni Mico! Di mo daw sinasagot tawag niya. Papunta na sila dito. They'll sleep here para bukas sabay sabay na" mahabang sabi ni Kuya Ali pagkalapit sa akin
"Magkaaway ba kayo?" tanong ni Kuya Silver
"Hindi naman kuya. Pinagbabawalan niya ako magswimsuit du-" di ko na natapos ang sinasabi ko dahil nagbutt -in sila pareho