CHAPTER NINE

5 0 0
                                    

Naging mabilis ang biyahe namin papunta sa kakainan namin. Naging tahimik rin ang biyahe namin dahil siguro napagod yung dalawa kong kuya. Pumasok na agad kami dahil andun na yung iba at nakaupo na. Si Kuya Silver kasi ang nagdrive kaya mabagal. Ewan ko ba diyan ang bilis magdrive pagbarkada kasama pero pag ako napakabagal.

Umupo kami at nagsipag-order na

"Yes po sir? Ano pong order niyo?" sabi ng lalaking server nung makalapit siya sa table namin The other boys browse the menu first before ordering.

"Family serving nalang tayo dre para marami tayong dishes" sabi ni Kuya Rex tapos pumayag naman sila. Dre daw eh, kaya sila lang di naman ako dre hahaha

"Sizzling sisig, and bulalo" sabi ni Lucas

"Buffalo wings" sabi naman ni Kuya Oliver

"Parang masarap din ang sinigang sa palayok" sabi naman ni Kuya Andrew

"Party sized pizza- ham and cheese, vanilla ice cream, barbeque fries kuya" sabi ni Kuya Ali. Nice. Overload here I come yiiiie. No rice ang meal ko ngayon! Overload lang sapat na!

"drinks sir?" Tanong uli ni kuya waiter. Paniguradong pineapple ito. Favorite nila pineapple ewan ko ba.

"Pineapple juice and water na lang po. Thank you" Sabi naman ni Kuya Silver.

Sinasabi ko na nga ba.Kinuha ko yung cellphone ko kasi for sure magkekwentuhan na naman sila tungkol sa basketball. Minsan na kakasawa na ring pakinggan.

I chatted Marcus kung okay naman ba sila sa movie na napanuod nila. And also miss ko na rin kasi sila Michelle

From: MarcusYes. Nagdidinner kami now at nagyaya ng bar ang mga hinayupak after.


To:Marcus

OMG! Sila kuya rin magba-bar pero di ko knows kung saan


From: Marcus

You can tell to us later then duon nalang kami didiretso and also we're waiting pa ng orders.


Makikita ko na uli sila! Kahit pa naman kasi one day ko lang silang di nakikita namiiss ko na sila kasi since highschool kasama ko na sila eh.Nagchat lang kami ng nagchat until kakain daw muna sila so nag socmed muna ako. I'm browsing my feed sa tweeter kasi nagkakagulo daw yung two schools because of their players. Tutok na tutok ako sa pagbabasa para makasagap ng chika ng bigla nila akong kinausap

"Diba Kianna?" Tanong naman ni Kuya Andrew sa akin. Bigla naman akong nagulat! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi di ko naman alam pinaguusapan nila

"H-ha? Bakit kuya?" lutang kong sagot sa kanya

"Ayan ganyan ang sinasabi ko sayo Mico. Lagi iyang ganyan" sabi naman ni Kuya Ali. Jusq. Hindi ko sila gets

"Bakit ba? Ano ba pinag-uusapan niyo?" Tanong ko pa sa kanila . Tapos wala pang nasagot at nagsipagtawa pa

"Isa pa iyan! Laging lutang" asar naman ni Kuya Silver

"Anong lutang? Hindi ko kaya alam ang topic niyo! Busy kasi ako!" sabi ko sa kanila. Nakakaasar! Kasalanan ko bang di ko alam pinag-uusapan nila tapos nung tinanong, tatawanan ka lang.

"Busy? Nagce-celphone ka lang naman ah" sabi naman ni Mico sakin. Pakialam mo pa ba?

"May kausap kasi ako kaya di ko naiintindihan pinag-uusapan niyo okay?!" sabi ko naman sa kanya

You're My Best PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon