CHAPTER TEN

2 0 0
                                    


Time flies faster when you are happy talaga. Katulad ko, hindi rin pumasok yung dalawa kong kuya kahit pa may klase sila. Sila kuya may condo sila pero sa bahay pa rin sila umuuwi. 

Nakapag bond uli kaming tatlo na minsan lang namin magawa dahil nga nagfinals na.

Andito ako ngayon sa condo namin at nagreready na dahil pupunta kaming school ngayon, pero puro pa rin sila kwentuhan porket mga bihis na. Hinihintay lang talaga namin si Marcus dahil nasa kabila pa ito. All of us has an agenda in the school except for Kana and Marcus, nakapagprocess na sila eh pero sasamahan nila kami.

"Tapos nakasalubong ko sila kahapon nung nagpabili kayo ng donuts" kinikilig na sabi ni Kana. Siguro crush niya na naman iyon

"Kasama ba si Lucas?" iteresadong tanong ni Lesley

"Si Lucas talaga gusto mo ano!"sabi naman ni Michelle

"Alam niyo naman! Matagal ko na naging crush iyon. Sinecret ko lang sa inyo kasi for sure aasarin niyo ako" natatawang sabi naman ni Lesley. Matagal na pala pero hindi manlang sinsabi sa amin iba talaga hahaha

"Marami ba silang magkakasama?" tanong uli ni Lesley dito

"Oo marami sila. Isang buong team eh" sagot nito.

Ibig sabihin totoo nga? Mico's texting me since Thursday. I'm replying naman pero pag kalokohan na ang mga sinasabi niya di na ako nagrereply. He's updating me kung anong ginagawa niya, kung saan sila pupunta even their scheduled practices sinasabi nito.

"Marami talaga sila. Nagpasukat sila ng new uniform nila eh" sabi ko while focusing sa pagkain ko.

I was shocked ng bigla akong alugin ni Kana at nagsisigaw na rin si Lesley at Michelle pero paulit ulit lang naman sinasabi

"OMIGOD! PAANO MO NALAMAN?" sabi ni Kana. Ang OA ng movements niya. she's jumping literally para siyang starfish.

"KANINO MO NALAMAN?" tanong naman ni Michelle tapos nakatayo na din ito

"JUSQ!KANINO NGA? KAY MICO BA?" sabi naman ni Lesley bakit nagkapangalan na? Wala naman ako sinabi kanina ah.

"Ang tagal naman ni Marcus"sabi ko naman sa kanila para lalo sila maasar. Alam kong magpapakwento sila, pero ano naman ikekwento ko diba?

"Anong ang tagal ang sinasabi mo diyan! Tinatanong ka namin!!" high pitch na rin si Lesley ngayon ah

"Kay Kuya Ali ko nalaman" sinabi ko nalang na si Kuya para hindi sila magtanong

"Sus kay Ali daw? Wag nga ako! Don't me!" sigaw uli ni Kana

"Tingnan mo ito! Sinagot na nga, galit pa" sabi ko sa kanya na natatawa

"Eh alam ko namang-" naputol ang pagsasalita niya ng magring ang cellphone ko

Mico Saige calling...

At bakit naman ito tatawag sa akin? Pero sinagot ko pa rin kasi baka emergency

"Hello?"

"Kianna where's Marcus?"

"Nasa kwarto pa niya. Bakit?"

"He called me. May sakit daw siya. Can you go there sa room niya to check him? Andito na ako sa elevator ng building niyo"

"Sure ka ba? Ano bang nangyari?" tanong ko sa kanya tapos tumayo na. Bakas sa mukha ng mga kasama ko ang pagkagulat

"Mamaya na ako mag-eexplain" sagot nito

You're My Best PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon