Snuff

34 1 0
                                    

*Warning this chapter contains violence and gore*

Dahil sa himbing ng tulog ni Hayley, hindi nya namalayan ang pag alis ni Wil sa tabi nya. Lumabas si Wil ng kwarto naglakad sya palayo at nagpunta sa harap ng altar. Doon nya pinagmasdan ang imahe ni Hesus na nakapako sa krus.

"Isang himala ang pagkabuhay ni Hayley matapos ang lahat ng paghihirap nya sa kamay nila......"

Patuloy pa din ang pagtitig nya sa krus.

"Isang himala ang muli nyang pagharap sa mundo pagkatapos ng kalapastanganang naranasan nya..."

"Isang himala din, na sa kabila ng paglaki kong di naramdaman ang pagmamahal ng aking mga magulang, at paglaking may galit sa mundo, ay eto ako. Natagpuan ko ang aking sarili na buong pusong nagmamahal kay Hayley , buong pusong umiibig ng wagas......himala na nangyari pa ang gabing ito...."

Ang kaninang nakatitig lang ay nakahawak na ngayon sa imahe at tila nagsusumamo sa isa pang himala.

"Oh Diyos ko..... Himala mo na lang ang magpapanalo sa amin sa laban na to....pakiusap tulungan mo po kaming manalo sa kasamaan. Ayoko na pong masaktan pang muli si Hayley. Handa akong tanggapin ang kahit anong bagay, kahit ang hindi na sya makita kahit kailan, handa akong masaktan ng paulit ulit, wag lang si Hayley."

Bumitaw sya sa pagkakahawak sa imahe.

"Patawarin nyo ako, sa pagganti ko ng kasamaan laban sa kanilang kasamaan."

Pagkatapos noon ay kinuha ni Wil ang kanyang maleta. Mula doon ay inilabas nya ang isang bomba. Iyon ang gagamitin nya bukas ng gabi sa kanilang pagtitipon sa private ship ng buong grupo ni Godfather. Bukas ng gabi ay tatapusin na nya ang kasamaan ng sindikatong ito. Wala na syang pakialam kahit kasama syang masasawi sa pagsabog nito. Kinalimutan na din nya kung ano mang misyon meron sya. Ang mahalaga lang sa kanya ay magapi nya ang samahang kanyang kinabibilangan, bago pa man nila kunin si Hayley sa susunod pang gabi pagkatapos ng kanilang pagtitipon. Buo na ang desisyon ni Wil isasakripisyo nya ang sariling buhay para sa kaligtasan ni Hayley, at ng iba pang taong pwedeng mabiktima ng sindikatong ito.

Biglang nag ring ang celphone ni Wil.

"Hello boss Wil si Rob to, nandito kami ngayon ni Dado sa labas ng resthouse nyo ni Prosecutor."

"At anong ginagawa nyo dito?"

"Boss gusto kasi naming uminom, kaya lang wala kaming alak na makita, kaya pinuntahan ka namin, dahil sigurado may alak ka dyan, tara inuman tayo, bossing."

"Oo sige, intayin nyo ako."

Itinago ni Wil ang hawak nyang susi sa kaligtasan ni Hayley. Pagkatapos ay kumuha si Wil ng alak na dadalhin nya. Bago lumabas ay kinuha nya ang rambo knife nya, at isiningit sa kanyang pantalon.

Paglabas ni Wil ay nakaabang na ang dalawang sabik na sabik sa paborito nilang alak. Dahil sa pagkagahaman sa alak ay nakuha nilang tumawid ng kabilang isla, at nakuha pang iisantabi ang inggit na nararamdaman sa kanang kamay ng amo nila. Matapos ayusin ang kanilang pwesto ay nag umpisa na silang mag inuman.

"Hehe isang tulog na lang makukuha na ulit ni Boss Luis si Prosecutor." Paguumpisa ni Rob

"Oo nga pre, at si Boss Wil naman sigurado ang laki ng bonus kay Godfather." Sagot naman ni Dado

Ngiti lang ang tanging itinugon ni Wil.

"Nakakainis lang, kasi di tulad noon parang walang balak ishare ni Boss Luis si Prosecutor."

The Brave OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon