Nandito Ako

61 0 0
                                    


After 5 Months....

Patuloy pa din si Hayley sa paghahanap ng hustisya, pero mailap pa rin ito sa kanya.

Alas sais na ng hapon nang magpasyang umuwi na ng bahay si Hayley. Paglabas nya ng opisina ay tuloy tuloy sya palabas ng building. Kasunod naman nya sa palalakad si Wil.

Maghapon na ding umulan.

Tila sumasabay ang langit sa pagluha ng kalooban ni Hayley , dahil tuluyang na ngang naglaho si Mang Ador mawalan sya ng testigo sa krimeng nangyari sa kanila. Isa pa naawa din si Hayley sa pamilya ni Mang Ador.

Dahil sa maghapong pag ulan, umapaw ang mga kanal sa paligid at nagkaron ng tila maliit na baha. At dahil don napatigil si Hayley sa paglabas at nag alinlangang lumusong sa baha. Napansin naman ni Wil ang pagtigil ni Hayley, at naintindihan agad nito ang dahilan ni Hayley. Kaya binuksan nya ang payong at pinahawakan kay Hayley. Pagkatapos non ay buong lakas na binuhat ni Wil si Hayley at sya na lang ang lumusong sa baha. Walang nagawa si Hayley kundi humawak na lang ng mahigpit kay Wil hanggang makarating sila sa sasakyan.

"Bakit mo naman ginawa yon?" Nakasimangot na tanong ni Hayley kay Wil na kasalukuyang nagmamaniobra ng sasakyan.

"Hindi ba pwedeng magpasalamat ka na lang, kapag ginawan ka ng pabor?"

Dahil sa mas supladong sagot ni Wil ay nanahimik na lang si Hayley, hanggang makarating sa bahay.

Pagdating sa bahay ay bigla na lang nag brownout.

Kaya naman napakapit si Hayley sa braso ni Wil. Pero dahil napahiya sya bumitaw din sya agad.

"Hayley intayin mo na lang ako dito, kukuha lang ako ng kandila"

"Ah Wil"

"Oh bakit?"

"Bilisan mo ha"

Napansin ni Wil ang parang takot na boses ni Hayley kaya minabuti nyang isama na lang ito.

"Mas mabuti pa siguro sumama ka na sakin, paghahanap ng kandila"

Matapos sabihin yon ay hinawakan ni Wil ang kamay ni Hayley at inalalayan nya ito.

Dahil nga takot sa dilim si Hayley sumama sya. Isa pa paglipas ng mga araw ay mas naging palagay na din ang loob ni Hayley kay Wil.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nakapagsindi na sila ng kandila. Kasalukuyan na ding naghahanda si Wil ng kakainin nila. Habang abala sa paghahanda si Wil, si Hayley naman ay nakaupo sa silya at malalim ang iniisip. Naramdaman ni Wil ang bigat ng nararamdaman ni Hayley, kaya kinausap nya ito.

"Hayley........"

Lumingon naman si Hayley.

"Hayley, wag kang mag alala, magtiwala ka lang, magiging maayos din ang lahat"

"Wil the Vampire, ikaw ba talaga yang nagsasalita"

Hinawakan ng mahigpit ni Wil sa balikat si Hayley.

"Oo Hayley the Lion, ako nga"

"Lion? Ang ganda ko namang lion"

At tuluyan na ngang napangiti si Hayley dahil kay Wil.

"Ang ganda mo Hayley lalo na pag nakangiti ka"

"Ikaw din Wil umaaliwalas ang mukha mo pag nakangiti ka, kala ko nga di ka marunong ngumiti eh"

Biruan nila habang inihahanda  ang lamesa para sa pagkain nila.
Pero bigla uling naging seryoso si Wil. Habang pinagsasaluhan nila ang pagkain sa liwanag ng kandila, muling nagsalita si Wil.

The Brave OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon