Isang Himala

49 0 0
                                    

*Flashback......

Pagkatapos mahulog sa ilalim ng dagat ang katawan ni Wil, ay tuluyan na syang nawalan ng malay.

Lumipas ang labindalawang araw ay sa wakas nagkamalay na si Wil. Natagpuan nya ang sarili na nakahiga sa isang papag sa isang bahay kubo. Pagmulat ng kanyang mata ay pinilit nyang makatayo at nagsisigaw sya.

"Hayley...... Kailangan kong tulungan si Hayley."

Subalit sa dami ng kanyang sugat at tama ng balang natamo ay bigo syang makatayo. Nang makatayo sya ay agad syang natumba. Pero hindi sya napigil ng pagkadapa nya. Pinilit syang gumapang sa sahig habang isinisigaw ang pangalan ni Hayley.

"HAYLEYYY!!!!!! Hayley kailangan ni Hayley ang tulong ko."

Habang nakadapa si Wil ay pumasok ang matandang lalaki.

"Hoy William ano ba? Tumigil ka nga sa pagwawala mo."

Pinagmasdan ni Wil ang lalaki.

"Tsong? Tsong si Hayley kailangan nating tulungan si Hayley."

"William pwede ba huminahon ka, labindalawang araw ka nang natutulog, at sa pag gising mo nagwawala kang ganyan."

Natigilan si Wil sa narinig.

"Tsong si Hayley anong nangyari kay Hayley?"

"Sinong Hayley ba yon, yung Prosecutor?"

"Oo, sya nga po Tsong."

Tinulungang bumangon ng lalaki ang nakadapang si Wil. At iniabot ang isang dyaryo.

"Ayan ba ang hinahanap mo, aba eh isang linggo nang headline yan ah."

Niyakap ni Wil ang dyaryo matapos itong mabasa. Di nya namalayang umaagos ang luha nya.

"Salamat sa Diyos nakaligtas sya."

"Oo ligtas sya, ang galing nga eh. O ngayon ano nang plano mo?"

"Paano ako napunta sayo Tsong?"

"Aba eh nung nangingisda ako nung gabing yon may nakita akong mga dolphin na naglulundagan sa tubig mula sa may pampang, nung lapitan ko, gulat na gulat ako nung makita kong tao ang itinulak ng mga dolphin sa pampang. At ikaw yon Wil. Halos himatayin ako sa nerbyos ng makita kita."

"Dolphin? Tinulungan ako mga dolphin? Kahanga hanga yon Tsong."

"Wil, masaya ako sa muli mong pag gising. Magpalakas ka at marami kang dapat malaman. Halika kumain muna tayo."

Sumapit na ang gabi, ito ang unang gabi matapos magising si Wil. Wala silang ilaw kundi ang isang garapa. Nakadungaw si Wil sa bintana at pinagmamasdan ang buwan at mga bituin. Malalim ang kanyang iniisip. Di nya maiwasang malungkot kapag naaalala nya ang sinabi ni Hayley na kung sakaling makakaligtas pa sila ng gabing iyon ay wag na wag na syang magpapakita dito. Dahil ayon lang daw ang tanging paraan para makuha ni Wil ang kanyang kapatawaran. Gustuhin man ni Wil magpaliwanag ay walang maniniwala sa kanya na hindi talaga sya myembro ng sindikato. Dahil ang tanging dalawang tao na nakakaalam ng misyon nya ay sabay na namatay sa isang aksidente.

"Tama ka Hayley, pahihirapan ko lang ang kalooban mo kapag nagpakita pa ako. Pero kung alam mo lang kung gaano ako nananabik na makita kang muli." Bulong ni Wil sa sarili.

Lumipas ang mga araw sa buhay ni Wil. Unti unti na din syang nakakabawi ng lakas nya. Minsan isang umaga ay isinama si Wil ng kanyang Tiyo Ipe sa isang sementeryo. At doon ay ipinakita nya kay Wil ang puntod ng kanyang ina. Parang dinurog ang puso ni Wil sa nakita, para bang ang lahat ng poot na nararamdaman nya para dito ay naglahong parang bula. Napaiyak sya ng makita nya ito.

The Brave OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon