Thank God I Found You

70 1 0
                                    

"Hayley, tama na please. Wag ka nang umiyak, walang mananakit sayo dito." Sabi ni Wil habang ikinukulong sa kanyang bisig ang takot na takot na si Hayley.

Natigilan si Hayley at pinagmasdan ang mukha ng lalaking humahawak sa kanya.

"Wil? Will......" Napaiyak si Hayley na mapagtanto na hindi panaginip ang lahat. Totoong si Wil ang kasama nya. Buhay na buhay at humihinga.

"Oo Hayley, ako toh...."

"Ang tagal kitang hinanap Wil, hindi ako nawalan ng pag asa, kahit ang lahat ng tao ay sumuko na sa paghahanap sayo, ipinagpatuloy ko pa rin ang paniniwala sayo."

"Hayley patawarin mo ako, napaka duwag ko  pataw........"

Hindi na naituloy ni Wil ang sasabihin nya, dahil bigla syang hinalikan sa labi ni Hayley. Hindi nya namalayang umaagos na din pala ang luha nya.

Samantala sa isang hotel sa El Nido ay nag aalala na ang mag asawang Cervantes, dahil nalaman nilang walang Hayley na natagpuan sa isla ang tour guide at boatman. Hindi nila malaman kung saan naroon ang malapit nang manganak na si Hayley. Ang hindi nila alam ay nasa piling na pala si Hayley ng taong ibibigay ang lahat alang alang sa kaligtasan nya. Nasa mapagmahal na bisig na ni Wil ngayon si Hayley.

Samantala sa loob ng dampa sa bundok.....

"Wil patuloy kitang minahal kahit walang kasiguruhan na babalik ka pa. Miss na miss na kita ang tagal mo kasing nawala eh. Pero hindi ako tumigil na mamgarap na makakasama kitang muli. Ako pa rin ba ang pinapangarap mo? Maipapangako mo ba na hindi ka na mawawala sa akin ulit?"

Bumitaw si Wil sa pagkakahawak kay Hayley at lumuhod sya sa harap nito. Hinawakan nya ng dalawang kamay nya ang sinapupunan si Hayley. At buong pagmamahal nya itong hinalikan.

"Hayley, alam kong maaring hindi sya nanggaling sa akin. Pero pakiusap, hayaan mo akong ituring syang sa akin, hayaan mo akong mahalin sya na parang tunay na akin. Hayley hayaan mo akong maging ama ng dinadala mo."

Napaiyak si Hayley dahil sa sinabi ni Wil. Patuloy ito sa pagpupunas ng luha, ni wala na yata syang lakas na sabihin kay Wil na sya naman talaga ang ama nito.

Nasa ganong tagpo si Wil at si Hayley ng biglang sumipot si Ipe sa likod ni Wil.

"Abah William, ano pang iniintay mo? Eto ang singsing hingin mo na ang kamay ni Prosecutor." Sabay abot kay Wil ng gintong singsing na matagal nang itinatago ni Wil para ibigay kay Hayley.

Pagkakuha ng singsing ay muli syang humarap kay Hayley. At muling lumuhod.

"Prosecutor Hayley Cervantes, maaari mo bang tanggapin ang pag aalay ng pag ibig habambuhay ng isang taong walang ibang hiniling sa Diyos kundi ikaw. Kahit hindi sya karapatdapat sa yo. Hayley.........sa kabila ng lahat, maaari ba kitang pakasalan? Matatanggap mo bang muli ang pangako kong panghabambuhay?"

Halos matunaw si Wil sa pagtatanong kay Hayley.

Iniabot ni Hayley ang kamay mya kay Wil.

"Oo Wil, buong puso kong tinatanggap ang pag aalay mo ng habambuhay. Hindi ko maisip kung ibibigay ko ang kamay ko sa iba. Hindi ko na maintay na maging Mrs. William Francis. Wil masaya akong masisilayan mo ang anak natin sa pagsilang nya."

"Anak natin Hayley? Ibig sabihin hindi nagtagumpay si Luis sa balak nya?"

Iling lang ang isinagot ni Hayley at bigla nyang niyakap si Wil. Gumanti din ng pagyakap si Wil. Sa gitna ng kadiliman ng gabi, natagpuan nila ang sarili na tila ba walang salitang mahanap para ilarawan ang galak sa mga puso nila. At sa pagmulat ng mata nila ay punong puno ng pag ibig ang paligid nila, kahit na ang tanging ilaw lang nila ay isang lampara. Hindi din nila alintana ang pagbuhos ng napakalakas na ulan, na para bang unos dahil sa lakas nito. Sa gitna ng isang mahigpit na yakap ay biglang bumitaw si Hayley. Na ikinabigla ni Wil.

The Brave OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon