Kaytagal Kitang Hinintay

43 0 0
                                    

"Ahm Ms. Hayley excuse me po, mahuhuli na po kayo sa tour nyo"

"Ganun ba, sige lalabas na kami"

Hindi na nasagot ni Hayley si Wil kung saan nanggaling ang pulseras dahil tinawag na sila ng isang staff ng hotel.

Pagdating sa beach, napansin agad ni Wil ang takot sa mukha ni Hayley, sa palagay nya nagka trauma talaga si Hayley dun sa muntikang pagkalunod nya.

"Hayley, wag kang mag alala meron naman tayong suot na life vest." Sinusubukang alisin ni Wil ang takot ni Hayley sa dagat.

"Para kasing natatakot pa din ako eh."

"Mam Hayley wag po kayong matakot, kami pong bahala sayo." Sabat ng kanilang tour guide.

Pero parang di pa rin kumbinsido si Hayley.

"Hayley, alam mo ba na kapag nakarating tayo sa Simuzu Island, mga isda mismo ang lalapit sa atin don."

Biglang umaliwalas ang mukha ni Hayley.

"Talaga Wil, maraming isda don?"

"Oo Hayley, matutuwa ka pag nakita mo kung paano biniyayaan ng Diyos ang Pilipinas sa likas na yaman."

Tuluyan na ngang nakumbinsi ni Wil si Hayley na sumakay sa bangka.

Walang pakialam si Wil kahit pinagtitinginan na sila ng ibang kasama nila sa bangka ni Hayley. Nakatingin sila dahil sa higpit ng pagpulupot ng nanginginig na si Hayley kay Wil. Hindi na din alintana ni Wil ang hirap sa paghinga, dahil ang isang braso ni Hayley ay nasa leeg nya.

Nang makarating sila sa pampang ng isang isla ay niyaya ni Wil si Hayley na sumakay sa kayak at para makapag snorkling.

"Pwede ka namang mag snorkling ng nakasakay sa kayak, sayang naman kung hindi mo makikita ang ilalim ng dagat."

"Pero Wil, natatakot ako."

"Malilimutan mo ang takot mo pag nakita mo yung mga corals."

Hinawakan ni Wil ang kamay ni Hayley at inakay papunta sa dagat. Sinootan na nya din ito ng pang snorkle.

"Wil, wag na lang kaya?"

"Hayley!"

At inalalayan na nga ni Wil si Hayley sa pagsakay ng kayak.

Habang nagsasagwan si Wil ay parang estatwa naman si Hayley na hindi makagalaw sa kinauupuan.

"Ayan Hayley nasa malalim na tayo pwede mo nang tignan yung ilalim ng dagat." Sabik na sabik si Wil na makita ni Hayley ang ganda ng karagatan.

Bago tuluyang ilublob sa tubig ang mukha nya ay lumingon muna sya kay Wil.

At nginitian sya nito.

"Go Hayley, kayang kaya mo yan."

Sinilip na nga ni Hayley ang ilalim ng karagatan. Pagkatapos ay biglang inangat ang mukha sa tubig.

"WOWWW! Ang ganda naman ng ilalim ng dagat." At muling inilublob ni Hayley ang mukha nya.

Para bang nalimutan na ni Hayley ang takot, dahil nag umpisa na itong maglikot sa kayak, habang ang kanyang ulo ang naka lubog pa din sa tubig, talagang namangha sys sa kanyang nakita.

Samantalang si Wil naman ay napapangiwi na hirap magbalanse ng kayak. Nahirapan sya dahil sa paglilikot ni Hayley, pero hindi nya ito ipinahalata kay Hayley. Kahit nahihirapan sya, sulit naman ang lahat dahil masaya ang babaeng mahal nya.

Pagdating ng hapon....

Ilang isla na din ang naikot ng tour nila. Pagkatapos non ay bumaba na sila sa isang private island na pagpapalipasan nila ng gabi. Meron isang bahay bakasyunan doon na ipinareserve na ni Wil para sa kanila ni Hayley.

The Brave OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon