Chapter 9

23.3K 425 15
                                    

 ********

this is my advance gift to all my readers! thanks po for continued support! kaya po ako nai-inspired magsulat dahil sa inyo!

please don't forget to vote and comment para naman marami pa ang makabasa! thanks a lot po!

have a blessed christmas & new year as well! God bless everyone!!!

********

CHAPTER 9

 

            Lumipas ang mahabang panahon, naging mas maganda naman na ang takbo ng buhay ni Corine kahit pa nag-iisa na naman siya.

            “Girl, hindi ka na naman ba jo-join sa amin Janine?”  Si Lorena na hindi pa rin maiwasang mag-alala para sa kaibigan.

            “Some other time talaga.” Tipid pa siyang ngumiti at bahagya pang tinapik sa balikat ang kaibigan.  “Promise, next time.”  

            “Are you sure?”  Si Janine na hindi rin naman makuhang magtampo dito.

            “Sure.”  Bahagya pa siyang tumango.  “Kailangan ko din kasing mag-deliver ng mga lutong ulam ni Nanay.  Kawawa din naman kasi kung hindi ko matulungan.”  Paliwanag pa niya.  Lahat na nang pagkaka-busyhan ay ginagawa niya para lang hindi maisip si Liam.

            “Ikaw na nga ang bahala,”  Napabuntong-hininga pa si Lorena.  “But promise, next time, sasama ka na okay?”

            “Okay, promise!” Itinaas pa niya ang kanang kamay.

            “Sige na nga, mauuna na kami ni Janine, okay?”  Pinisil pa niya ang pisngi ng kaibigan. 

            “Sige, ingat kayo ha.” 

            “Ingat ka din.”  Si Janine na tinapik din siya sa pisngi.  “Bye.”

            At hinatid na lang niya nang tanaw ang papalayong mga kaibigan bago tuluyang sumakay sa bike niya at pumunta sa kabilang direksyon.

            Pero sa kamalasan, hindi pa man siya nakakalabas ng school ay biglang natanggal na naman ang kadena ng kanyang bike. 

            “Anak ng tokwa,”  Naibulong na lamang niya habang sinisipat ang kadena ng kanyang bike.

            “Corine, anong ginagawa mo?”  Si Manong Randy, isa sa mga janitor ng school.

            “Manong Randy, may screwdriver po ba kayo?”  Nahihiya man ay tila wala naman siyang pagpipilian.  “Higpitan ko lang po sana 'yung kadena ko, para hindi na ko maperwisyo pa pauwi.”

            “Sige hija, bukas naman ang stock room kunin mo na lang dun sa tools ko.  'Wag mo lang isara at sira 'yung lock n'un.”  Sagot naman din ng medyo may katandaan na ring lalaki.

            “Sige po, thank you po!”  Masayang sabi naman niya dito at inakay ang bike niya papunta nga sa stock room na hindi naman din masyadong kalayuan.

            At nang makarating nga siya sa stock room ay ipinarada muna niya panandali ang kanyang bike sa labas bago tuluyang pumasok sa kwartong iyon.  Agad din naman siyang naghalungkat sa likod ng pinto ng makitang doon lang pala nakalagay ang tool box.

            “Hey,”  Biglang may nagsalita sa kanyang likuran dahilan upang magulat siya nang husto at mapasandal sa pinto!  “Corine?” 

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon