Published: February 7, 2013
maaga-agang UD 'to hehe wala lang, nasa mood lang haha! KV & GV lang guys! God bless everyone!
#dean
********
CHAPTER 16 - Part 1 of 2
May kung ilang araw ding nanatili si Liam sa bahay dahil sa kanyang mild injury. At sa ilang araw ding iyon ay hindi napupunta man lang si Corine para bisitahin siya. Magtatampo na sana talaga siya ng isang hapon ay sinorpresa siya nito!
“Hello.” Nakangiting bungad pa niya sa nobyo.
“Bakit ngayon ka lang?” Wari ay nagtatampo pang tanong niya dito.
“'Wag ka na magtampo, please…” Sumamo pa niya dito. “Nahihiya naman kasi akong pumunta. Alam mo na kung bakit. Naiilang lang ako.”
“Hindi naman si kuya ang pupuntahan mo dito kung 'di ako.” Seryoso pang sabi lang niya.
“'Wag ka na magtampo, nandito na nga ako diba?” Lumapit pa siya nang husto dito at bahagyang hinila ang laylayan ng t-shirt niyon habang hawak ng dalawang kamay ang damit nito.
“I was so bored here. Hinihintay kita pero hindi ka dumarating.” Nagpapakipot lang naman siya.
“Nandito na nga ako diba?” Mahina pa niyang tinapik ang pisngi ng nobyo.
“I don’t know,” Wari ay umiling-iling pa siya.
“Please, babe… Please…” Sumamo ulit niya dito.
“Huh?” Napatitig naman siya dito. “Anong tawag mo sa akin?” Kunot-noo pa ito.
“Ha?” Agad naman siyang namula lalo pa nga’t halos hindi niya na-realized na tinawag niya itong ‘babe’.
“You always call me by name and now you just call me ‘babe’.” Noon na ito napangiti. “Puwedeng pakiulit?”
“Liam naman e…” Maktol pang sabi niya lalo pa nga’t nabigla lang rin naman siya.
“Hindi mo ba ako ‘babe’ at nahihiya kang ulitin?” muli ay
nagtatampong himig niya.“Hindi a, nahihiya lang ako.” Talaga namang kulay mansanas na siya.
“I don’t think that kind of feeling is necessary.”
“Liam,”
“Sige 'wag na.” Hindi na rin naman siya nangulit pero nakasimangot ang mukha.
“Babe,” Lakas-loob namang tawag na nga niya dito. “Babe, 'wag ka na magtampo please.” Nilambingan pa niya nang husto ang tawag kahit na nga nanlalamig talaga siya.
“That’s more like it.” Noon na siya napangiti at mahigpit na niyakap ang nobya. “Ilang araw kang nagpa-miss ha.” Bulong pa niya dito.
“Magka-text naman tayo a. Ikaw nga ‘tong patampu-tampo pa.”
“I want to see you. Kung possible nga lang na makapag-drive na ako nang maayos pupuntahan talaga kita sa inyo.” Bahagya pa siyang lumayo para titigan iyon sa mukha.
BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
Ficção AdolescenteDati ng crush ni Corine si Liam, isang sikat na football star player sa school nila. Pero hindi niya iyon ipinapaalam sa kanyang mga kaibigan dahil na rin sa hiya na pagtutuksuhin siya ng mga ito. Pero bago pa man sila magkakilanlan ng husto ni Li...