********
Hello Guys! Advance Happy New Year!!! Thank you po ulit ng marami sa mga nagbabasa nito ha. At kahit pa dun sa mga silent readers... na nananatiling silent... hehe sana po magbago na this year at mag-vote na rin! hehe ^_^v
May all your wishes come true this year! I truly appreciate your support esp. sa mga KimXi here! God bless everyone!!!
********
CHAPTER 10
“Anong ginagawa n'yo dito?!” Gulat na tanong pa ni manong Randy matapos na madatnan ang dalawa na natutulog sa stock room!
“Po?!” Si Corine na naalimpungatan pa at gulat ding makita ang sariling nakayakap pa kay Liam!
“Ayaw po magbukas ng pinto, manong Randy kaya we got stucked here.” Kaswal lang na paliwanag ni Liam. Bahagya pa itong nag-stretch ng kamay lalo pa nga’t medyo nangalay iyon dahil sa pagkakasandal ng babae.
“Diba sinabihan na kita, Corine?” Napakamot pa ng ulo si manong Randy na binalingan ang tulalang babae.
“Ha e… o-opo!” Nahihiya pang sagot naman niya. “Naisara ko by accident.” Mapakla pa siyang napangiti.
“Hala, magsipag-uwian na kayo! Kala ko e nagde-date kayo dito e!” Iiling-iling pa ito. “Ang dami ko na nahuhuling nagkukulong dito!”
“Ha e, hindi naman po…” Halos magkulay makopa pa si Corine lalo pa nga’t wagas pa ang pagkakayakap niya kay Liam kanina.
“Sige na, uwi na! gabing-gabi na! wala ng estudyante sa campus!” Pagtataboy pa nito.
Noon na lumabas ng stock room ang dalawa. Halos mag alas diyes na noon ng gabi kaya’t wala na talagang tao sa campus.
“I’ll take you home.” Volunteer na agad ni Liam. “And I wouldn’t take no for an answer.” Pinangunahan na niya iyon.
“Sige na nga.” Hindi na rin naman siya tumanggi lalo pa nga’t gabi na rin naman.
“I’ll just get my stuff. Do you mind waiting?”
“Samahan na kita.” Siya naman ang nag-volunteer.
“Okay,” Nakangiting tumango naman siya at binagtas na nga nila ang daan patungo sa locker room sa stadium.
“Ang ganda pala dito kapag ganitong walang tao.” Si Corine na talaga namang iginala pa ang tingin sa football field na natatapatan nang malalakas na ilaw.
“Well, baka feel mong mag-concert sa gitna. Go on.” Biro pa niya dito.
“Ay naku, wala akong masyadong magandang boses para mag-concert. Baka ikaw,” Binalingan pa niya ang lalaki na bahagya pang nakakunot ang noo. “Are you okay?” Alala pang tanong niya dito.
“Masakit lang talaga ang ulo ko.” Bahagya pa niyang diniinan ang noo gamit ang kamay.
“Tara na, para makapagpahinga ka na din.”
“Sige.” Tumango pa siya.
Pero bago pa man sila makalabas sa stadium ay biglang namatay ang mga ilaw! Dahilan upang magdilim nang husto sa buong paligid.
BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
Teen FictionDati ng crush ni Corine si Liam, isang sikat na football star player sa school nila. Pero hindi niya iyon ipinapaalam sa kanyang mga kaibigan dahil na rin sa hiya na pagtutuksuhin siya ng mga ito. Pero bago pa man sila magkakilanlan ng husto ni Li...