So paano? di masamang kiligin ulit hehe :) have a good night peeps! :)<3 ate dean
********
CHAPTER 28 - Part 3 of 3
“Sir, ano pong ginagawa n'yo dito? kanina pa po kayo dito? Okay lang po ba kayo?” Sunud-sunod na tanong pa ng guard.
“We’re okay, thank you.” Sinenyasan pa si Corine na lumapit na. “Gusto kong imbestigahan ninyo kung sino ang nagsara ng pintuan na ‘to. I need your reports tomorrow.” Mahigpit na bilin pa niya. “And you’ll tell no one about this okay?”
“Opo sir, sige po…” Panay ang tango nang nataranta namang guard.
Bumalik ang dalawa sa opisina ni Liam at agad ring naglock. Kahit pa wala nang empleyado doon ay mainam na ring nag-iingat sila.
Mabilis din siyang nagbuklat sa kanyang mumunting closet at naghanap nang pwedeng pamalit.
“Here…” Inabutan pa niya iyon ng tuwalya at polo shirt niyang puwedeng pamalit nito.
“T-thank you…” Nanginginig pa rin talaga siya sa ginaw.
“Mauna ka nang magpalit.” Inalalayan pa niya itong makatayo at inihatid sa restroom. “Kukuha lang ako ng coffee sa pantry. Just wait right here, okay?”
“A-ako na,”
“It’s okay. Sige na magpalit ka na muna.” Bahagya pa siyang umiling at nagdiretso na nga muna palabas ng opisina nito.
Hindi naman nga din nagtagal ay nagbalik na sa opisina si Liam dala ang dalawang tasa ng kape. Nakapagpalit na rin ng damit si Corine noon.
“W-wala nga lang kasyang pants sa’yo.” Napakamot pa ito ng ulo matapos ibaba ang kape sa table.
“Okay lang, matutuyo naman siguro ang skirt ko maya-maya lang. Pinahanginan ko lang sa aircon mo, okay lang ba?” Alanganin pang sabi niya.
“It’s alright.” Tipid pa siyang ngumiti.
“Mahaba naman sa akin ang polo mo kaya okay lang.” Bumuti na rin naman ang pakiramdam niya.
“Ako naman magpalit.” Siya naman nga ang pumasok sa restroom.
Hindi naman nga rin nagtagal ay lumabas na si Liam na nakasimpleng polo shirt na lang din at soft pants pa rin.
At pag-upo naman niya sa tabi ng babae ay agad din siyang sinuklayan nito. Napangiti lang naman din siya sa gesture na iyon ng babae. At kahit pa simpleng bagay lang 'yun ay nasu-sweetan siya.
“Inumin mo na 'yang coffee mo habang mainit.” Si Corine na isinampa pa ang dalawang paa sa sofa at itinakip rin sa nakalitaw na hita niya ang throw pillow.
Agad rin namang humigop ng kape si Liam kahit na medyo maayos na rin naman ang pakiramdam niya.
“So,” Bumuwelo pa si Liam at napakagat-labi pa. “Are we officially a couple now?”
“Couple?” Payak naman siyang napangiti. “E diba girlfriend mo naman talaga ako dati pa?”
“Well, at least for now, alam kong tayo talaga?” Ginagap pa niya nang mahigpit ang kamay nito.
Hindi naman napigilan ni Corine ang sarili at siya pa mismo ang yumakap sa nobyo. Kung nalalaman lang nito kung gaano siya kasaya.
“I like this one better.” Bulong pa niya sa babae at ipinulupot din ang kamay sa maliit na baywang nito.
“I love you…” Umiiyak pang bulong ni Corine dito.
“I love you…” Sagot din naman ni Liam at bahagyang niluwagan ang yakap nito para direktang makita ang mukha ng babae. “Why are you crying again?” Pinunasan pa niya ng sariling daliri ang luha nito.
Bahagya lang siyang umiling at mapait na ngumiti. “Happy lang ako. Pero sana bumalik na rin agad ang memory mo.”
“Hmmm…” Napahugot pa siya nang isang malalim na buntong-hininga. “Stop crying okay?”
“Pero bakit mo nga pala ako tinawag na easy?” Nakanguso pang kumpronta niya dito. “Gan'un ba talaga ang tingin mo sa akin?” Nakairap pa siya dito.
Hindi naman naiwasang mapakamot ng ulo ni Liam sa mga pagkakataong iyon.
“I did not mean to say that.” Nahihiya pang sabi niya. “I got jealous with Gerald.” Pag-amin na rin naman niya.
“Selos? ikaw?” Napangiti pa siya.
“Walang nakakatawa dun, okay?” Siya naman itong sumimangot. “Basta I don’t like you hanging out with him.”
“Friends lang naman kami n'un.”
“Basta.” Mataman pa niya iyong tinitigan sa mukha. “Mamaya ma-develop ka dun sa mokong na 'yun.” Sumimangot pa siya. “At kahit pa gwapo 'yun, mas gwapo ako dun.” Umismid pa siya.
“Adjuu…” Nanunukso pang himig niya. “Ikaw lang ang nag-iisang gwapo sa paningin ko, okay?” Sinapo pa niya ang mukha nito ng dalawa niyang palad.
“Dapat lang,” Napangiti na rin naman siya at buong pagmamahal pa niya iyong sinunggaban nang halik. Ikinandong pa niya iyon sa kanya habang panay pa rin ang halik dito.
Hindi naman naiwasang ma-concious ni Corine lalo pa nga’t naramdaman niyang bahagyang umangat ang polong suot niya at wala naman siyang suot na pang-ibabang damit.
“Hayaan mo nang tumaas 'yan,” Ngumisi pa siya sa babae na naghihila ng damit nito.
“Salbahe.” Agad naman din siyang nagkulay mansanas. Masyado kasing intimate ang posisyon nila. “B-baka naman ganito ka rin kay Sarah.” Simpleng pag-uusisa pa niya dito. At kahit pa alam niya ang posibilidad na may nangyayari sa pagitan ng dalawa ay masakit pa rin para sa kanya iyon.
“No.” Bahagya pa itong umiling. “I don’t know why, I feel strange around her. And kaya lang din naman ako nagpapaka-boyfriend sa kanya kasi 'yun ang sinabi niya sa akin when we were still in LA.”
“Sinungaling ang babae na 'yun! Hmp!” Gigil pang sabi niya.
“Hmmm…” Muli na lang niya itong niyakap. “I really can’t remember anything…” Agad na naman siyang nakaramdam nang pananakit ng ulo.
“Hey,” Agad rin naman niyang hinilot ang ulo nito. “'Wag mo na lang muna pilitin.” Napabuntong-hininga pa siya. “May balita ka na ba kay Karen?”
“W-wala pa.” Bahagya pa siyang umiling. “Pero I already hired someone to look for her.”
Tumango lamang siya dito.
“I don’t know why my brother is hiding that information from me,” Muli ay napabuntong-hininga pa siya. “Kaya for now, I hope you understand kung itago muna natin ‘tong tungkol sa ating dalawa.”
“N-naiintindihan ko naman,” Malungkot pang sagot niya. “Basta lang ba i-promise mo, 'wag na 'wag ka na makikipaglapit pa masyado dun sa Sarah na 'yun!” Inis pang kundisyon niya.
“I’ll stay distant if needed,” Hinaplos pa niya ang mukha nito. “And you’ll stay close as much as we have the chance, okay?”
“Okay,” Bahagya pa siyang tumango at hinintay na lang ulit ang matamis na halik nito.
BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
Teen FictionDati ng crush ni Corine si Liam, isang sikat na football star player sa school nila. Pero hindi niya iyon ipinapaalam sa kanyang mga kaibigan dahil na rin sa hiya na pagtutuksuhin siya ng mga ito. Pero bago pa man sila magkakilanlan ng husto ni Li...