Chapter 4

25.1K 397 9
                                    

CHAPTER 4

Kinabukasan ay excited nang  pumasok si Corine sa school.  Gusto na niyang ibalita kina Lorena at Janine na may boyfriend na siya!

            “Really?!”  Duet pa ang dalawa na talaga namang nasorpresa.

            “Oo.”  May kasama pang tango na sagot niya. 

            “Wow…”  Tuwang-tuwa si Lorena para sa kaibigan.

            “That’s good!  At least lahat tayo may mga boyfriend na!”  Si Janine na hindi rin maikukubli ang saya.

            “Oo nga,”  Si Lorena na agad pang niyakap si Corine.  “At bongga ka 'day! May trabaho pang jowa mo!  Tiyak na galanteng magbigay ng gift 'yan!”

            “Ito talaga,”  Bahagya pa niyang tinapik ang kaibigan sa hita nito.  “Iyon talaga ang maisip mo!  Hindi naman regalo ang habol ko sa tao.” 

            “Pero mas okay pa rin kung si Liam ang naging boyfriend mo.”  Si Janine na bahagyang napaisip.  “At least, football player din.”

            Hindi naman nakakibo si Corine sa sinabing iyon ng kaibigan.  Si Liam ay bahagi na lamang ng pangarap niya.

            “Pero jackpot pa rin siya kay Ian 'no!”  Si Lorena na napansin agad ang pagtahimik ng kaibigan.  “Ang important e mahal siya ni Ian.”

            “I agree.”  Bawi rin naman agad si Janine.  “Susunduin ka ba niya mamaya?”  Pag-iiba na lamang niya nang usapan.

            “Oo.”  Tipid pa siyang ngumiti.

            “Sweet naman,”  Kinikilig pa ito.  “Anong oras ka raw sunduin nang makadiwara naman kami sa inyo!”

            “Six pa daw e…” 

            “Six?”  Kunot-noo pa si Janine.  “Hanggang five lang tayo a… maghihintay ka pa?” 

            “Oo.”  Alanganin pa siyang tumango.  “May niru-rush lang daw siya sa opisina e.” 

            “Diba pag-aari naman nila yun?”  Si Lorena.

            “Oo nga, pero diba dapat role model siya dun diba?  'Di porke pag-aari niya, magpapabaya na siya diba?”  Pag-intindi pa niya sa trabaho ng nobyo.

            “Pero bakit hindi ka na lang niya puntahan sa bahay ninyo?”  Si Lorena na hindi kumbinsido sa ganoong arrangement ng dalawa.

            “Nahihiya daw siya sa mga nanay at tatay e.” 

            “Ganun,”  Ngumuso pa ito.  “E diba dati naman na siyang nagpupunta dun?  Ngayon pa ba mahiya kung kailan kayo na?” 

            Napaisip naman siya sa sinabing iyong ng kaibigan ay hindi na lang niya inintindi.

            “Saan ka maghintay?”  Si Janine.

            “Sa stadium na lang siguro.”  Tipid namang sagot lang niya.

            “Gusto mo samahan ka na lang namin?” 

            “Hindi na. Okay lang.  Isang oras lang naman akong maghihintay.  Sabay na rin daw kami mag-dinner out.”  Sabi pa niya habang sinusuklay ang mahabang buhok.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon