Published Jan. 19, 2013
Eto na kaya ang pinakahihintay ng lahat? hehe :D
at sa mga readers ko po, pansin ko lang ang daming reads pero naman, wala pa sa kalahati yung vote??? sana naman po mag-vote kayo para naman mas maka-inspired din sa akin diba? :)
anyway, enjoy! have a nice weekend everyone!
#fedejik
********
CHAPTER 13 - Part 1 of 2
Matapos ang huling pagkikita na iyon nila Liam at Corine ay hindi na ulit iyon nasundan pa. Lahat kasi nang paraan nang pag-iwas ay ginawa na rin ni Corine dahil na rin sa inis sa lalaki. Alam niyang kung magpapatuloy lang na makikipaglapit sa kanya ang lalaki ay siya lang naman din ang masasaktan dahil sa patuloy na pag-asa. Alam niyang ang mabuting paraan para na rin matigil ang kahibangan niya ay ang umiwas na muna dito. Baka sakaling magawa niyang maging mabuting kaibigan kung makakalimutan na rin niya ang pag-ibig dito.
“Corine, hinahanap ka ni papa Liam ah!” Si Janine. “'Di ka daw nagre-reply sa text niya.” Nanunukso pang himig nito.
“Busy ako!” Masungit pang sagot niya.
“Taray!” Gulat naman si Janine sa nakitang reaksyon nito. 'Yun lang kasi ang unang beses na nakita niyang ganoon ito.
“May problema ba? LQ?!” Si Lorena na sorpresa din sa nakitang reaksyon nito.
Hindi naman siya kumibo sa tukso ng mga ito.
“May nangyayari na naman bang hindi namin nalalaman?” Si Lorena na namaywang na. “Bakit ba parang inis ka?”
“Sino bang hindi maiinis sa kanya!” Pigil ang emosyon ni Corine. “Mag-aalala para sa’yo! Aalagaan ka! Bibigyan ka ng oras! Para ano? Friend lang?!”
“Wait, ganyan si Liam sa’yo?” Si Janine na hindi pa man ay kinikilig na.
“Hindi pa 'yun!” Hindi niya alintana ang reaksyon ng dalawang kaibigan. “Hahawakan ang kamay mo, hahalikan ka! Nakakainis!”
“Fuck shit!” Duet pa ang dalawa. “Hinalikan ka?!”
“Was it plain kiss or French?!” Kasunod na tanong kaagad ni Janine.
“'Wag n'yo na ako pansinin dahil wala lang 'yun!” Muli na namang nangilid ang mga luha niya. “Ilusyon ko lang 'yun! Panaginip lang!” Noon na tuluyang tumulo ang mga luha niya. Hindi na talaga niya mapigil.
“Was that the reason why you’re avoiding me?” Si Liam!
Agad na napaangat nang tingin si Corine dito at agad na pinunasan ang luhang bumasa sa kanyang mukha. Nasalubong niya ang diretsong titig nito at bakas ang lungkot doon.
“You didn’t answer my calls. You didn’t reply to my text. You ran away when you saw me.” Mataman pa niya iyong tinitigan.
“Puwede Liam, tigilan mo na ‘to?” Pigil ang ang emosyon niya.
“We’re friends, right?” Napabuntong-hininga pa siya. “Friends do care for each other. Nag-aalala, inaalagaan ka. Nagbibigay ng oras…”
“Puwes,” Napaiyak na naman siya. “Ayokong maging friends tayo!”
“But why?” Mataman pa niya iyong tinitigan.
“Dahil ayoko! Ayaw ko lang!” Galit pang sigaw niya dito.
“Do we have a problem here? Why don’t you tell me.” Sumamo pa niya dito.
“Alam mo kung anong problema sa’yo?! Alam mo na kung ano ang nararamdaman ko pero maang-maangan ka pa!”
“You tell me, ‘coz I really don’t know…”
“Gusto mo talaga gawan ako nang kahihiyan noh?” Hindi maampat ang mga luha niya.
“I will never do that.” Bahagya pa siyang umiling. “I care about you too much…”
“You care about me too much?!” Sarkastiko pa siyang ngumiti. “Well, stop caring! Dahil tulad ng sabi ko kanina ayoko nang maging friends tayo!”
“You just can’t stop me, Corine.”
“Please lang. Tumigil ka na! Pakiusap!” Panay ang hikbi niya lalo pa nga’t sobrang bigat na rin ng loob niya.
“I will never leave you.”
“Liam, Liam…” Mariin pa niyan kinagat ang labi nang humarap dito. “Ano bang gusto mo pang marinig para layuan mo na lang ako?!”
“I don’t understand,” Bahagya pa siyang umiling. “May nagawa ba akong mali para magalit ka nang ganyan?”
“Just shut up! Liam!” Mapait pa siyang napangiti. “Kung ayaw mong umalis, ako na lang!” Tangka pa siyang aalis pero agad din siyang hinawakan ni Liam sa braso. “Ano ba?!” Piglas pa siya.
“Can we just talk?”
“I don’t want to talk to you!” Muli ay pilit niyang kinakalas ang hawak sa kanya ng lalaki. “Bitiwan mo ko!”
“We need to talk. Please…” Sumamo ulit niya.
“Fine!” Galit pa siyang tumitig dito. “Alam ko naman gusto mo lang talaga akong mapahiya diba?!”
“No, Corine.” Bahagya pa siyang umiling.
“I love you! I’m inlove with you! Masaya ka na?!” Halos mangatog ang buong katawan niya. “Ayokong maging kaibigan mo, dahil in love ako sa’yo! At ayoko na nang nararamdaman ko! Ayoko nang umasa pang mamahalin mo rin ako! Ayoko nang managinip pa! Kaya kahit ang pagkakaibigang ito, ayoko na!” Sigaw pa niya at muling nabasa na naman ng luha ang mukha niya. “Hindi ko mapigil ang sarili kong mahalin ka at alam ko, mali ‘to! Kaya bilang tulong mo na lang, layuan mo na lang ako!” Noon na niya buong lakas na inagaw ang kamay niya at nagtatatakbong lumayo at ni hindi na lumingon pa.
BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
Teen FictionDati ng crush ni Corine si Liam, isang sikat na football star player sa school nila. Pero hindi niya iyon ipinapaalam sa kanyang mga kaibigan dahil na rin sa hiya na pagtutuksuhin siya ng mga ito. Pero bago pa man sila magkakilanlan ng husto ni Li...