Umuwi si Noam na pagod at nahihilo nya. They had few shots pero mabilis nalasing si Noam. Itinapon nya ang sarili sa malambot na kama. Napasabunot naman sya sa may kahabaang buhok at ibinaling ang ulo bintana kung saan nya natatanaw ang bahay ni Fillipus.
(Flashback)
"Your eyes are beautiful....", inaantok na sambit ng binata habang diretsong nakatingin sa mata ni Noam. Natahimik si Noam, lasing na ang kapitbahay nya. Halos maestatwa naman sya sa kinauupuan nya nang hawakan ng binata ang pisngi nya.
"W-what are you doing?!", gulat na tanong nya.
"Really beautiful....", papikit pikit na ang mata nito dahil sa antok pero nasa tamang katinuan pa si Noam. Parang mga kabayong nagkakarera ang puso nya dahil sa lakas ng pinapakawalang tunog.
"H-hey...."
Napapikit naman siya ng mariin pero isang malakas na pagbagsak ang nagpamulat sa kanya. Nasa sahig ngayon ang kapitbahay nya at mukhang nakatulog na sa kalasingan. Nakahinga naman sya ng maluwag, kakaibang tensyon ang kanina'y bumalot sa kanya. Gamit ang manggas ng damit, pinunasan nya ang namumuong pawis bago ito binuhat para makahiga ng maayos sa sofa.
"I shouldn't be thinking about that", umiiling na usal nya.
Kinaumagahan, mabilis na naligo si Noam kahit nagkakahang-over sya dahil sa nainom na alak kagabi. Before going out, inayos nya muna ang sarili sa salamin, ngayon araw din ang sinabi ng kaibigan nyang si Trevor, ang araw kung saan iseset-up sila ng kaibigan para mapag-usapan ang naging tensyon sa pagitan nila. Kinakabahan sya sa mga posibleng mangyari, pero mas mabuti na iyon kesa naman manatili silang mag-estranghero ng kaibigang itinuring na nyang kapatid.
"Hey mister, you're almost late", nakapamaywang na sambit ng mommy nya.
"Nagkainuman kami ni Fillipus kagabi ma eh", pakamot kamot na usal nya.
"Fillipus? That guy from across the street?", tanong ng nanay nya. Marahan naman syang tumango na ikinangisi naman ng nanay nya. "Glad you two are now in good terms"
"Yea"
He don't know if 'in good terms' is the perfect term. They haven't spoken about it last night, ni hindi nila napag-usapan ang mga alitan dahil masyado silang nawili sa presensya ng isa't isa.
Maybe he's not the bad, isip nya.
Umiling iling na lumabas ng bahay sj Noam, bago tuluyang sumakay sa bisekleta, tinanaw nya ang bahay ng binatang si Fillipus. Bukas parin ang mga ilaw kaya ibig sabihin hindi pa nagigising ang kapitbahay. Huminga naman ng malalim ang binata bago minaneho ang bisekleta nya.
After school ang set-up dinner ng kaibigang si Trevor at Tommy, tinext sya nito kaninang umaga lang kaya hinanda nya narin ang sarili para a magiging usapan nila ni Malu.
Bumili pa sya ng paborito nitong puto bilang peace offering nya sa dalaga. Wala sa sarili naman nyang hinila ang isa sa mga kaklase ni Malu na nagulat sa ginawa nya. "Sorry pero pumasok ba si Malu?", tanong nya sa binata.
"2 days nang hindi pumapasok si Malu, ginawa pa nga akong tagabigay ng excuse letter", sabi ng binata.
"Hindi sya pumapasok?", takang tanong ng binata. Sa pagkakakilala nya sa babae, kailanman ay hindi ito umaabseng kahit may sakit ito o may emergency ay pinipili parin nitong pumasok. "Bakit daw?"
BINABASA MO ANG
Chase Rainbows
RomanceNoam is just a normal kid in highschool spending the rest of his highschool days being normal and being distant to other students, living his 'I don't give a damn to anyone' bubble. Not until he met his newly moved in neighbor Fillipus whom he find...