Chapter 2: On Vodka, Beers and Regrets

2 0 0
                                    

"Kalma lang Noam, it's just a lame party, wala namang mawawala kung papasok ka at makikipag-usap hindi ba?", pagkukumbinsi ni Noam sa sarili. Nasa harap sya ng bahay ni Vivian, kung saan nagaganap ang party. Kahit nasa labas sya ng bahay, kitang kita nya ang mga iba't ibang kulay ng ilaw na nagmumula sa loob. Rinig na rinig din sa labas ang maiingay na tili ng mga teenager na nagpapacool sa mga boyfriend at girlfriend nila.

"Hey Noam!", bati ng isa sa mga kaklase nya at kasamahan sa theater. "Why are you standing there? Pumasok ka na sa loob, everyone's like waiting for you"

"Waiting for me?", takang tanong nya. Hindi sya sinagot ng kaklase at hinila nalang bigla papasok sa loob ng bahay. Mga nagsasayawan at mga lasing na schoolmates ang bumungad sa kanya. Halos maduwal sya sa kababuyang ginagawa ng mga kaeskwela. May mga nagsisimula nang mag-makeout, mga naglalaro ng kung anong laro at nagvivideoke sa may sulok. "This is definitely not my place", bulong nya sa sarili.

"Wait here", iniwan sya ng kaklase sa isang upuan malapit sa dining table nila. Niluwagan nya ang necktie at tinanggal ang dalawang butones sa longsleeve nya. Naiinit na sya, siguro ay dahil iyon sa dami ng taong nakapalibot sa kanya. Sa suot nito, mapagkakamalan mo itong seminarista o sakristan but he doesn't care, people will not care anyway. Hindi sila mag-aaksaya ng oras na tignan sya at i-criticize."Hey, everyone! Noam's here!", biglang sigaw ng kaklase. Gulat naman syang napatingin sa kanya na nakapatong sa table at lasing na.

Tumili ang mga kasama nito at itinulak sya paakyat sa mesa."Anong ginagawa mo Jerry", tanong nya sa kaklase.

"Minsanan ka lang lumabas at makimingle sa mga tao kaya lagot ka samin ngayon! Diba guys?! Sinong gustong makita si Noam na sumuka na sa kalasingan?!"

"WOOOHHH! GO NOAM! NOAM! NOAM! NOAM!", tili ng mga nakapaligid sa kanila. Inabutan sya ni Jerry ng maliit na shot glass. Bawat paggalaw nya at tinitignan ng mga kasama kaya nacoconscious sya."Chug! Chug! Chug!", paghahamon ng mga kasama. Pinisil nya ang ilong at tinungga ang laman ng baso."WOOOHHHHHH!"

Napaubo sya sa tapang ng alcohol na dumadaloy sa lalamunan nya. Magkahalong init at anghang ang naramdaman nya. Ngayon lang sya nakatikim ng alcohol, he never had interests to gateway drugs.

"Good job pare", nakangising bulong ni Jerry. Bumaba na sya sa lamesa at hinayaan na lamang na dalhin sya ng mga paa nya kahit saan. His heart skipped a beat for a while nang makita nya ang kaibigang si Trevor, akmang lalapitan nya ito nang maunahan sya ng isang babae. Hinalikan nito ang pisngi ng binata at niyakap.

Nanlulumo syang lumabas ng bahay, nadudurog ang puso nya pero wala syang ibang magiging karamay kundi ang sarili nya."I knew this feelings would be such pain in the ass", bulong nya. Nakakaramdam nadin sya ng kaunting hilo at init.

"Hey Noam!", tawag ng kaibigang si Malu."I thought you wouldn't come..."

"But I came", nakangising sagot nya."Ackk, that alcohol wasn't a good idea"

"Sino ba kasing may sabing uminom ka? Gago ka pala eh", tatawa tawang usal ng dalaga. Tinignan nito ang kabuuan ng mukha ni Noam. She slowly leaned and hugged his arm."Are you okay?"

"Honestly...I'm not", sagot nya. Mga katagang nagpapadurog sa dalaga.

"Halika, may pupuntahan tayo", aya nya sa kaibigan. Kunot noo lamang syang tinignan ni Noam."Trust me, It'll be fun!"

Hinawakan nya ang kamay ng dalaga at hinayaan na lamang na dalhin sya nito sa kung saan man nya naisin. Lutag sya, ang tanging nasa isip nya lang ang masalimuot na eksenang nakita nya kanina lang, ang lalaking gusto nya na nakayakap sa isang babae. Sumakay ang dalaga sa isang bisekleta at inutusan syang sumampa sa likod nya. Ginawa naman nya iyon. Yakap yakap nya ang bewang ng dalaga na lihim namang napapangiti. Alam ni Malu na matagal nang may dinadamdam ang kaibigan, hindi lamang ito nagsasabi sa kanila.

Chase RainbowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon