Nagpagulong gulong si Noam sa kama at pinaghahandaan ang posible nilang pagkikita ng dalagang kaibigan. What will he do?
Pagkalabas nya sa bahay ay napatingin agad sya sa katapat na bahay at nakita ang kapitbahay na kalong kalong ang pusa nitong kulay kahel. Pinakapakain nya ito sa harap ng bahay nya at hinahagod hagod pa ang balahibo nito. Otomatikong lumihis ang tingin nya nang makita nyang tumingin sa direksyon nya ang kapitbahay.
Dire-diretso lang ito kung maglakad at talagang hindi lumilingon. Nakarating sya sa eskwelahan at sadyang inaabangan ang kaibigan na si Malu. He needs to clear everything dahil ayaw nyang maging dahilan ang halik na iyon sa hindi pagpansin sa kanya ng dalaga. Sa lahat ng mga kaibigan nya, kay Malu sya sobrang close at hindi nya makakayang makita ang dalaga na dumidistansya sa kanya kaya nagpaplano syang aminin sa dalaga ang totoong pagkatao.
Huminga sya ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob para sabihin sa kaibigan ang totoo nyang pagkakakilanlan. Panahon narin siguro para ipaalam nya ang totoo nyang pagkatao.
Nakita naman nya ang kaibigan na mabilis ang paglalakad papunta sa classroom nito kaya patakbo nya itong hinarang at hinila papunta sa likod ng school.
"Noam! Ano ba! Why are you dragging me?!", inis na sigaw ng dalaga.
"We need to talk Malu...may kailangan akong sabihin sayo, I have been keeping this for a while and I think I need to let all this feelings out"
"M-may sasabihin din sana ako", nakayukong usal ng dalaga. Ilang segundo silang natahimik, waiting for someone na mauna kaya si Malu na ang nagboluntaryo. "I'm sorry about last night. I hope hindi magbago ang tingin natin sa isa't isa. Inaamin ko, O got carried away dahil sa bigat ng mga pinapasan kong problema and I thought kissing you would be a way to at least escape all those nightmares..."
"M-Malu....ayos kalang ba? May gusto kabang sabihin sakin? Bakit mo ginawa yon?", tanong nya. Gusto nga nyang malaman kung bakit iyon ginawa ng kaibigan. He heared her sigh bago sya tinignan sa mata. Kinabahan naman bigla si Noam dahil sa nababasa nya sa mata ng kaibigan. Bakas sa mga mata nito ang lungkot at pait na pinagdaanan sa kung anumang bagay.
"Mga sophomore palang tayo, gusto ko nang makipagkaibigan sayo but you were so distant to people", sinimulan ng dalaga ang pagsasalaysay. Tahimik na pinakinggan sya ng kaibigan na mukhang knteresado sa gusto nyang sabihin.
"What about it?"
"Sobrang saya ko nung kinausap moko para makipagpartner sa project. I was really naive that time at hinayaan ko ang sarili ko na mag-enjoy sa presence mo", may namumuo nang mabigat sa lalamunan ng dalaga. Bumabalik na naman ang sakit sa puso nya, parang sirang plaka na pabalik balik lang sa pagpeplay.
"M-Malu..."
"Yun yung mali ko, ang hayaan ko ang sarili na unti unting mahulog sa isang butas na wala nang daanan papalabas. I like you Noam—no...I love you! From the moment narerealize ko na nahuhulog na ako, hindi ako nag-atubiling sumubok na umalis sa butas nayon pero kahit anong gawin ko, mas lalong lumalalim yung pagkakahulog ko. Mas minahal kita nung pinaramdam mo sakin na importante ako sa buhay mo", nagsimula nang tumulo ang luha sa mga mata ng dalaga. Parang unti unting nabawasan ang mga pinapasan nyang mga hinaing.
Tulala lang si Noam sa biglaang pagtatapat nv kaibigan. Hindi sya makapagsalita at tila nababato sa kinatatayuan nya. "G-gusto moko?"
"Oo! I thought I was being obvious simula palang. Natutuwa ako tuwing pinagtitripan tayo ng mga kakilala natin pero nasasaktan ako tuwing lumilingon kalang at hindi nagsasalita. Ganun naba ako ka walang saysay para sayo kaya sa tingin mo hindi ko deserve ang pagmamahal mo?", patuloy parin ang pagtulo ng luha nya. Hindi nya ito mapigilan.
BINABASA MO ANG
Chase Rainbows
RomanceNoam is just a normal kid in highschool spending the rest of his highschool days being normal and being distant to other students, living his 'I don't give a damn to anyone' bubble. Not until he met his newly moved in neighbor Fillipus whom he find...