Chapter 1: Strawberries and Cigarettes

4 0 0
                                    

"You should've stopped when you still could"

Napasapo ng noo si Noam dahil sa pangit na pag-arte ng kanyang kaklase. Bumaba ito mula sa ikalawang palapag ng theater at hinarap ang kaklase nyang overconfident at maarte.Sa totoo lang, matagal na syang naririndi sa panget na pag-arte nito. Sya ang kaklase nyang si Therese, maganda ito pero panget umarte, sa isip nya, sumali lang ang dalaga sa play dahil sa crush nitong si Tommy. Tommy is his bestfriend since 3rd grade, along with Malu and Trevor na kasama nya din sa production team ng play nila.

"Therese, can you put more feelings while delivering your lines? Masyadong boring, tingin mo ba magugustuhan ng audience ang ganong acting?", prangkang sabi nya sa dalaga na ngayon ay nakayuko. Aware sya na napapahiya ang dalaga pero kailangan nyang gawin iyon. He can't let her do the same thing again and again dahil masisira ang play. Ayaw naman nyang maging plastic dahil direktor sya, hindi kaibigan ng dalaga. Napabuntong hininga naman sya at tinapik sa balikat ang dalaga."Hey, I'm not mad, I'm just saying this so you can do better next time", mahinang bulong nya.

Nangingilid na ang luha ng mga dalaga, ngayon lang sya napahiya sa harap ng buong cast. Sa harap pa ni Tommy, ang binatang matagal na nyang napupusuan. Dahil sa inis nya, binato nya sa pagmumukha ni Noam ang folder na  naglalaman ng mga script nila. Padabog na nagwalk out ito, naiwan namang nakanganga ang buong set at cast ng play. Pinulot ni Noam ang mga nagkalat na bondpaper at iniikot ang daliri sa ere, signalling the team to start over again. Bumalik na sila sa mga pwesto nila, sya naman ay pahilot hilot sa sentido habang nakadungaw sa mga kasamahan nya.

'This is messed up', isip isip nya. Magdadalawang linggo na silang nagwowork sa play nila. Ginagawa nila ang play to celebrate their yearly english festival and to honor their theater mentors na syang nagbigay sa kanila ng task. Sya ang naatasang magdirek ng play nila, he wasn't really the sociable type of person kaya nahihirapan sya sa pagdidirek ng play nila, idagdag mo pa ang maarteng female lead nila. Kung hindi ba naman nagpumilit si Therese na maging female lead, hindi na sana sya mahihirapan.

"Okay, we're done for the day, dismissed", sabi nya. Nagkanya kanya namang iwan ang mga kasama nya sa mga props at nag-uunahang lumabas sa theater. Lumapit naman sa kanya ang mga kaibigan. Knocking him off with a tight hug. "S-stop! I-i can't breath!", daing nya. Tatawa tawa namang bumitaw ng yakap at inakbayan ang stress na kaibigan.

"Why don't we get a coffee for this dude?", usal ng kaibigang si Trevor. Lihim namang napangiti si Noam. He has something to Trevor, ang hindi alam ng lahat....he's gay at gusto nya ang isa sa mga bestfriend nyang si Trevor. He's too scared to come out kaya ginagawa nya ang lahat to keep his identity secret. "What do you want?", nabalik naman sya sa reality nang marinig ang boses ng kaibigan. Nagdedaydream na naman sya at pinagpapantasyahan ang kaibigang si Trevor.

"Anything", he said. Napapikit sya ng mariin at biglang nahiya sa ginawa, hindi nya dapat pinagpapantasyahan ang matalik na kaibigan lalo pa't alam nyang may girlfriend ito. Si Liza, ang campus crush na isang taon nang nobya ni Trevor. Masakit para sa kanya ang makita silang magkasama lagi but what can he do? He's just his bestfriend, nothing more, nothing less.

"Hey, I know stress ka na sa panget na acting ni Therese, why don't you look for another female lead? Hindi naman siguro mahirap maghanap ng bago, Therese suck, alam natin yun, why don't we look for another lead na madaling makakabisa ang lines. Yung may retentive memory!", sabi ng kaibigang si Malu. Napasimangot naman sya bilang tugon. Mahihirapan syang maghanap ng bagong lead dahil halos lahat ng mga kakilala nya ay may kanya kanya naring club na sinalihan. Iilan nalang ang natitirang walang club, maswerte nalang kung may isa sa kanila ang may interes sa teatro. "Come on, be positive, for sure may magkakainteres sa lead role, sisikat na sila, malaki pa grades nila sa theater and arts", taas baba ang kilay nito at pasiko siko pa sa kanya. Nginitian nalang nya ng pilit ang kaibigan, trying not to disappoint her.

Chase RainbowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon