"Pano na yung play? Di pa bumabalik si Therese?", alalang tanong ng kaibigang si Malu. Napasapo ng noo si Noam at pilit na kinakalma ang sarili kahit na sa totoo ay naiistress na sya sa play nila.
"Ako na ang bahala, I'll look for a substitute—", bago paman nya matapos ang sasabihin ay nalipat ang atensyon nila sa tumatakbo papasok na kasamahan sa play.
"Noam! Noam! Si Kevin! Isinugod sa hospital, hinimatay kanina sa pe nila!", mas lalo namang nanlumo si Noam. Si Kevin ang male lead nila, ngayon ay kailangan na nila ng parehong female at male lead.
"Have you got any good news?!", inis na tanong nya. Lumapit naman sa kanya ang dalagang kaibigan at pumupulot sa braso nya.
"Noam, relax, tutulungan kita sa paghahanap ng ipapalit", pagcocomfort ng dalaga. Tanging buntong hinga lang ang naisukli ni Noam. He left the set at mano manong nagtanong sa mga kakilala kung gusto ba nilang sumali sa theater play nila ngunit sa kasamaang palad ay wala pa syang nahahanap na pamalit sa male at female lead nila.
Nagpahinga muna sya sa canteen, mag-isa lang sya dito dahil kanina pa nagsimula ang afternoon session, hindi na sya nag-aalala dahil kinoconsider naman sila ng mga teachers nila dahil myembro sila ng theater club. Ibig sabihin, ay pwedeng hindi na sila pumasok sa ilang mga subjects.
"I heard you needed a replacement for your play", napalingon naman sya sa biglang nagsalita. He can't forget his face. Napalunok sya at agad na tumayo. His eyes were still plain and cold kasing lamig ng tono nito sa pagsasalita.
"I-I—"
"I want to audition", simpleng usal nito. Halos matulala naman si Noam, hindi alam ang gagawin. Pakurap kurap lang ito habang nakatingin sa binata na nag-angat naman ng isang kilay. "I'll take that as a yes", usal nito at naglakad na papalayo, saka lang ito nakahinga ng maluwag. 'He has this aura that can stop everyone's breath. Scary...',isip isip nya.
Bumalik na sya sa theater at naabutan si Liza at Trevor na naglalambingan. Nagpalipat-lipat sya ng tingin sa dalawa, tinaasan lang sya ng kilay ni Trevor at pinanlakihan ng mata. Parang idinikit sa sahig ang mga paa nya at hindi nya magalaw. "I-I'm sorry...", iyon lang ang tanging nasabi nito baho patakbong lumabas sa fire exit ng eskwelahan. Dumiretso sya sa likod ng school, lugar kung saan madalang lang ang estudyanteng napapapadpad. Madalas lang sa lugar na iyon ang mga batang pasaway na nagcucutting classes.
Hindi na namalayan ni Noam ang pagtulo ng luha nya. How can his heart be so soft and fragile pagdating sa lalaking napupusuan nito? Sa inis nya, ibinato nya ang batong napulot sa kung saan, ganun nalang ang gulat nya nang tamaan ng bato nya ang isang lalaki na agad din naman syang nilingon.
It's him again.
"Dumadami na ang kasalanan mo sakin", puminta naman sa mukha nito ang nakakainis na ngisi. Napaatras si Noam nang unti unti syang lapitan ng binata. Kahit ilang metro ang layo nila ay umaabot sa kanya ang amoy strawberry at usok na hininga nito.
"I didn't mean to do that", pilit na tinatapangan ng binata ang boses. Ayaw nyang magpasindak sa kapitbahay.
"Mukhang pinagtatagpo tayo ng tadhana", usal ng kapitbahay nya.
"Noam?", napalingon naman sya likod ng binata nang makita ang kaibigang si Malu. Tumakbo sya papunta rito at agad na hinila pabalik sa loob ang kaibigan. Muntikan na sya doon. Hindi nya alam ang gagawin kung maisipan ng kapitbahay nya na gantihan sya sa mga hindi sinasadyang kasalanan nya sa kanya."Hey, why are you in a hurry? We're you talking to Fillipus?"
"Fillipus?", takang tanong nya.
"He's our new male lead, ako ang nagrecruit sa kanya. I asked him to meet you in the cafeteria, hindi nya ba sinabi sayo?", usal ng dalaga. Kung ganun ay makakasama na nya ang binata sa play nila? Ano nalang kaya ang magyayari sa kanila? Awkward. "Sa female lead, wala akong nahanap eh, kaya naisipan kong ako nalang, hindi kana mahihirapan sakin, gagalingan ko naman yung pag-arte ko", nakangiting usal ng dalaga. Talagang gagalingan nya ang pag-arte dahil ayaw nyang madisappoint ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Chase Rainbows
RomanceNoam is just a normal kid in highschool spending the rest of his highschool days being normal and being distant to other students, living his 'I don't give a damn to anyone' bubble. Not until he met his newly moved in neighbor Fillipus whom he find...