Eighteen

381 17 5
                                    

Harlow's POV:


Nakatingala ako sa bintana ng amo kong si Zoie. Linggo ngayon at walang pasok. Ito rin ang unang linggo ng day-off ko simula ng magtrabaho ako sa kanila.

Hay!

Napapakamot ako habang naglalakad palabas ng gate.  Dahil naalala ko parin yung ginawa sa kanya ng pamilya ng tatay niya.

Sabihin nating anak siya sa labas pero hindi dapat siya tinatrato ng ganun. Hindi naman niya kasalanan na maging anak siya sa pagkakamali ng tatay niya.

Naglakad ako palabas ng subdivision. Saka nagtawag ng motor na masasakyan pauwi sa amin.

Magtatatlong linggo palang ako sa pamilya Zabel pero nakikita ko na kung anong klase ang pamilya nila at pamumuhay. Akala ko masaya lang. Pero di rin pala...

Halos isang oras akong naka-angkas bago kami nakarating dito sa lugar ko. "Salamat po." Sabi ko sa driver matapos mag bayad.

"Salamat din po." Umalis na rin siya.

"Aleng Gina!" Kuha ko ng atensyon niya. Abala kasi siya sa pagbibilang ng panukli.

"Uy Harlow!" Pansin niya rin sa akin.

"Harlow!!"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Ayiesha. Lumundag pa sa akin ng yakap. Mabilis din akong kumalas dahil iba na makatingin ang nanay niya.

"Kamusta po?" Tanong ko.

"Ikaw ang kamusta? Ang tagal ka na namin di nakikita ah. Naka stay-in ka pala dun sa amo mo." Sabi ni aleng Gina.

"Oo nga, bat ngayon ka lang dumalaw dito?" Sabat ni Ayiesha.

"Eh, kasi medyo busy yung amo ko. Tsaka ngayon palang naayos ang schedule ng day-off ko. Kaya ayun..." Sagot ko.

"Ahh....Oh siya, pili na ng kakainin."

"Isang karne at gulay po ako. Kayo na bahala."

"Harlow?" Si mang Nando. "Bakit ngayon ka lang dumalaw? Wala ng nanglilibre sa akin dito, lagi na ako nagugutom." Saad niya.

Natatawa ako dahil para siyang tanga habang nagpapaawa. Lumapit ako at kumapit sa kanang braso niya.

"Manong kasi...Hanap din ng trabaho."

"Naghahap naman eh."

"Oh siya, sagot ko na po ang pananghalian nyo ngayon." Sabi ko. Hinatak ko na siya paaupo sa dulo habang hinihintay na i-serve sa amin ang inorder ko.

"Gina, narinig mo yun. Sagot ni Harlow ang pananghalian ko ngayon. Kaya pagsilbihan mo ko!" Masayang saad ni Manong.

"Ewan ko sayong buda ka!" Sagot ni aleng Gina.

"Heto na Harlow pagkain mo." Lapag ni Ayiesha ng order ko. Tumabi narin siya ng upo sa akin. "Saglit ka lang ba dito?"

Tumango ako. "Oo eh, magbabayad lang ako ng renta kay nang Alma, pagkatapos nun uuwi na ako."

"Ha? Ganun kabilis?"

Tumang ako.

Bigla akong binulongan ni Ayiesha. "Namimiss na kita..."

Kaya napalingon ako sa kanya. Mukhang iba ang ibig sabihin ng miss na yun ah.

"Dalawin kita mamaya sa bahay mo ah." Sabi niya sabay tayo at alis.

Sinundan ko lang siya ng tingin palayo.

"Iba talaga ang tama sayo ng dalagitang yun no, Harlow?" Saad ni Manong.

Societies Bad Girls | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon