Three

650 36 3
                                    

Harlow's POV:



Madilim pa ang kalye dahil alas tres palang ng madaling araw nang parahin ako ng isang babae.

Si Ayiesha.

Nakatayo ito sa harap ng tindahan nila. Tumakas na naman siya mula sa bahay nila para lang makita ako.

Pinaangkas ko na siya agad sa motor ko saka namin tungo ang bahay ko. Matapos kong susian ang pinto mabilis na pumasok si Ayiesha sa loob. Natatakot kasi yang makita ng kung sino man.

Wala namang masama, pero dahil may mga mata at bibig ang mga kapitbahay namin baka maging headline na naman siya sa mga tsismisan kinaumagahan at mayari na naman siya sa nanay niya.

"Ihahatid ba kita agad pagkatapos natin mag-inom?" Tanong ko.

Nakaupo siya dito sa maliit kong sala.

Umiling siya. "Mamayang gabi nalang. Ang alam kasi ni nanay, nasa bahay ako ng kaibigan ko at mamayang gabi pa ang uwi ko."

Tumango ako. Tsk. Ibang klasi talaga ang babaeng to pag gusto akong makasama. Magsinungaling man ay magagawa niya.

Nagpalit na ako ng damit habang inilalagay niya sa kabinet ang mga nadale niyang delata mula sa tindahan nila. Ganyan siya magpasalubong sa akin. Yung tipong ikakangiti ko talaga.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya habang nakatalikod sa akin. Hinalikan ko pa ang batok niya.

"Harlow..." Lambing nito sa akin.

"May nauwi akong bote ng wine diyan. Gusto mo?" Nakasukbit na naman kasi ako ng wine na nabili ng guest ko pero di pa nila nabubuksan.

Humarap siya sa akin at ipinulupot ang mga braso niya sa leeg ko.

"Okay, basta ba wag mo ko lasingin para maramdaman ko pa ang pagkian mo sa akin."

Napangiti ako sabay kindat.

Yung mga ganitong gabi alam kong inaabangan niya to. Mapapagod na naman ako ng walang sweldo pero okay lang may grocery naman ako. Hihi.

"Hugas kana." Bulong ko sabay tapik sa pwet niya.

Nag smack kiss muna siya sa akin bago mabilis na kumalas sabay pasok sa banyo ko. Naupo naman ako at nagsindi ng sigarilyo.

Hay!

Chineck ko ang mga daliri ko, baka mahaba na naman ang mga kuko ko, na hindi ko napapansin. Hmm. Okay naman pudpod pa.

Kalahati na ang stick ng sigarilyo ko ng lumabas ng nakahubo si Ayiesha mula sa banyo. Dahan-dahan itong lumapit sa akin kaya kitang-kita ko ang malaporselana niyang kutis, ang malulusog niyang dibdib at malinis na bulaklak, mamula-mula pa.

Ayiiieeee....

Napakagat labi ako dahil nakaka excite talaga ang babaeng to. Tumayo ako at inabot ang switch ng ilaw para patayin. Pero binuksan ko ang lampshade na nahinge ko lang kung saan.

Dinampot ko ang bote ng wine at binuksan. Tumungga ako saka ko to inabot kay Ayiesha. Naglakad ako papunta sa kama ko at dun umupo. Lumapit naman siya sa akin at sa harap ko uminom. Pagkatapos ay inilapag niya ang bote sa isang tabi saka siya umupo sa akin ng paharap.

Hinubad ni Ayiesha ng sando ko kaya lumitaw ang napakaliit kong dibdib sa sobrang liit pagkakamalan mo ng dibdib ng lalaki.

"Gustong-gusto ko talaga ng mga tattoo mo. Parang ang lakas mong tignan." Malanding saad niya habang hinihimas ang  kaliwa kong braso.

Naka full sleeve tattoo na kasi ang kaliwa kong braso.

"Talaga?" Saad ko.

Tumango siya sabay halik sa pisnge ko. Hinawakan ko ang balakang niya. At hinaplos ang malalambot niyang pisnge ng puwet. Ang sarap talaga lapain ng babaeng to!

Societies Bad Girls | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon