Twenty-eight

363 19 3
                                    

Harlow's POV:



Ayos! Bakasyon ulit! Nandito kami sa isang beach kung saan may videoshoot ang kompanya. Dalawang araw daw kami dito sabi ni maam Zoie.

Nakakatuwa. Makakapagbeach ako sa mamahaling resort. Tapos libre pa, haha...
Ang saya lang.

"Harlow." Tawag sa akin ni maam Zoie. Syempre naglilibot na naman ang mga mata ko kung saan-saan.

"Maam, andyan na po." Sunod ko.

Tulad ng dating gawi nasa iisang kwarto lang kami ni maam Zoie. Sa kama siya at sa sofabed naman ako.

"Wow..." Saad ko pagkahawi sa kurtina ng glass door ng biranda namin. "Ang ganda dito." Kita-kita kasi namin ang kalawakan ng karagatan ang mapuputing bungin ng beach.

"Mag-aayos lang ako bago bumaba. Saka magparoom service kana rin ng makakain natin." Utos ni maam.

"Sige po."

Lumapit na ako sa mesa kung saan may telepono. Tumawag sa room service para umorder ng makakain namin.

"Naka order kana?" Tanong ni maam Zoie. Tapos na siya mag-ayos.

"Yes maam."

"Hindi ka ba magpapalit?"

"Magtit-shirt lang naman po ako saka board short." Wala naman kasi akong maraming damit tulad niya.

"Okay. Mag-ayos kana, para pagkakain natin makababa na tayo agad. Kikitain ko pa ang ilang model natin."

Model?

Napangiti ako. Ayos talaga...makakakita ako ng maraming magaganda ngayon. Tumayo na ako saka naghalukay ng gamit ko. Kumuha ako ng damit saka pumasok sa banyo saka nagpalit.

"Harlow, lets eat." Aya ni maam Zoie, pagkalabas ko ng banyo. Nakaupo na siya sa maliit naming dining area.

"Okay po." Umupo na ako at nagsimulang kumain.

Matapos namin ipalinis ang napagkainan namin sakto naman at nakapagpababa narin ng kinain. Lumabas na kami ng kwarto saka tinungo ang isang hall.

"Anika." Bati ni maam Zoie sa director nitong shoot.

Napatitig ako sa maliit na babae. Ang angas din talaga ni miss Anika sa tattoo at porma niya.

"Narito na ba ang mga model, Rachelle?" Saad ni maam Zoie. Kasama nga din pala dito si maam Rachelle, si maam Jane, pati ang ilang team member nila.

Sandali nasaan na nga pala si maam Jane?

"Harlow." Napalingon ako sa tumawag.

Uy, hinahanap ko palang siya ah.

"Maam Jane." Bati ko.

"Wow...may tattoo ka pala." Pansin niya sa kaliwang braso ko, nakalantad kasi. "Ang astig."

Napangiti ako. Akala ko pagnakita niya to eh madudumihan din siya tulad ni maam Zoie noon.

"Akala ko maam, di nyo magugusyuhan. I mean, akala ko madudumihan kayo."

Umiling si maam Jane saka siya tumalikod. Itinaas niya ang buhok niya at ipinakita sa akin ang maliit na araw na tattoo sa batok niya.

"Ayos ah..." Sabi ko.

Hinarap niya ako. "Tina-tattoo pa yan ni apo whang-od." Sabi niya.

Nanlaki ang mata ko. "Astig maam. Meron din akong guhit niya." Sabay turo ko sa ibon na braso ko. "Ito po."

"Wow, so nice—"

"Jane excuse me. You need here." Tawag ni maam Zoie. Naputol tuloy ang pag-uusap namin.

Societies Bad Girls | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon