Forty-eight

288 15 3
                                    

Zoie's POV:




Nandito ako sa tapat ng bar na pinagtatrabahuhan ni Harlow. Madaling araw na pero lumabas parin ako dahil gusto ko siyang makita. Alam ko nasaktan ko siya sa disisyon ko pero masakit din naman sa akin ang bagay na yun.

Nung umagang pinili kong makipaghiwalay sa kanya. Halos durugin ko rin ang sarili ko nun.

It hurts to see your love one crying because of you...

Pero yun nalang ang nakikita kong paraan para maprotektahan ko siya laban kay Grashela.

Pero hindi ako tumugil na alamin ang kalagayan niya. Naki-usap ako kay Wendy para ilihim ang pakikipag-ugnayan ko sa kanya. Ipinaliwanag ko narin ang dahilan kung bakit ko ginawa ang bagay na yun.

Mabuti nalang naintindihan ako ni Wendy. At nangako siya sa akin na aalalayan niya ang mahal ko.

Hay!

Si Harlow.

Lumabas at nagnigarilyo sa isang gilid ng mapansin kong may isang babae ang lumabas at yumuko malapit sa kinaruruonan niya. Maya-maya lang nilapitan siya ni Harlow at parang kinausap. Parang lasing yung babae kaya inaalayan siya ni Harlow.

Nasasaktan ako sa nakikita ko pero wala akong magawa.

Kasalanan ko ang lahat ng to kaya di ko siya masisi kung may makilalang man siyang iba.

"Love..." Saad ko. Kung sana naririnig niya ang pagtawag ko. "Mananatili kitang mahal."

Ipinasok na ni Harlow ang babae sa loob saka naman na ako nagmaneho paalis. Naluluha akong nagmamaneho pauwi ng bahay pero wala akong magawa dahil kailangan ko siyang protektahan sa masamang babae na yun.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang makalaban kay Grashela. Wala akong lakas para maka-angal sa lahat ng paglalaro niya sa akin.

Kung sana may ibang paraan lang, hindi ko isusuko si Harlow.

Pagkabalik ko sa bahay nakatulog na ako at muling nagising bago ang alarm clock ko. Nitong nagdaan araw nawawalan na ako ng gana na magtrabaho. Parang nawawalan akong ng saysay na bumangon sa araw-araw dahil sa nararamdaman ko. Para may kulang sa akin.

Bumaba ako ng kama at dumiretso sa banyo para makapag-ayos. Saka ako buma para mag-almusal.

"Zoie, ang konti na naman ng kinain mo." Pansin sa akin ni tita Del. Naging ganito na talaga ko simula nung iniiwasan ko na si Harlow.

"Wala akong gana na kumain, Tita. Panik na po ko."

Alam kong naawa sa kalagayan ko si tita Del, maging ako sa sarili ko. Pero hindi ko mapigilan na maging ganito. Dahil pakiramdam ko nawala ang kalahati ng puso ko.

Matapos ko makapag-ayos bumaba na ako at sumakay sa sasakyan. Drive to work.

"Good morning miss." Bati sa akin ni Rachelle, pagkarating ko dito sa office.

Tinanguna ko lang siya. Sinundan naman niya ako ng pasok dito sa loob ng opisina ko.

"Yes?" Tanong ko sa kailangan niya.

"May meeting po kayo ngayong ten am, kasama si mister Marksman."

"Ah, okay." Sagot ko.

"Zoie, are you still not okay? Ano bang problema?" Napapansin nga pala niya ako na laging malungkot nitong nagdaang araw  din.

Bumuntong hininga ako. "Im okay Rachelle, don't mind me. And please, pag dumating si Marcus wag mo muna siyang papasukin dito sa loob. Lalo lang ako naiistress."

Societies Bad Girls | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon