Chapter 3

4.8K 165 2
                                    

Unedited.
__

PABALIK-BALIK ang lakad ni Lovi sa isang kwarto na tanging maliit na lampshade lang ang nakailaw.

Gusto niyang ipasundo kay Dimitri ang kanyang kaibigan na si Vanessa. Ngunit nang matapos ang sayaw kanina ay kinuyog siya ng dalawang lalaki papunta sa kwarto na ito na nasa ibabaw ng club.

She just realized that the club was the ground floor of the ten storey casino and hotel. Sikat ito na hotel na pinagdarausan ng mga entertainment events na may misteryosong may-ari.

Napabuntong-hininga siya ng may maalala. Her cellphone was in the dressing room. She didn't know if Vanessa was safe now. Hindi siya sigurado kung tumupad ba sa usapan si Simon Villaflor.

Lovi's heart was speeding too fast. Naalala niya rin ang lalaking malagkit ang tingin sa kanya kanina. Oo, ito lang ang tanging lalaki na tinititigan niya. Though the man's eyes held so much coldness, but she could feel a safe haven in his stare.

Mas lalo siyang kinabahan nang mabasa ang binigkas nitong halaga ng pera. Kung tama ang pagkakabasa niya, fifty million ang inalok ng lalaki.

Was he that rich to let go that amount of money just for sex? At kaya bang harapin ni Lovi ang lalaki para ibigay dito ang kailangan nito.

She couldn't imagine giving her virginity to a stranger. Pero nandito na siya at sumabak sa gulong ito. Nagdesisyun siyang tulungan si Vanessa.

She was always been a good friend. Tumutulong sa mga nangangailangan kahit magkano ang halaga. Iyon ang turo ng kanyang Papa Lucian at Mama Joyce niya.

Umupo siya sa malaking kama. Kinikilabutan sa mapulang bedsheets at unan nito. She touched her masquerade mask, calming herself down.

Nag-aalala siya para kay Vanessa. Ilang segundo pa ay biglang bumukas ang pinto, pumasok ang dalawang nakaitim na mga lalaki. Mahaba ang buhok ng isa at kalbo naman ang isa. Parehong mapanganib tingnan ang dalawa.

Lumapit sa kanya ang kalbo na lalaki at marahas siyang hinila. She jolted in protest. "Gusto kang makita ni Boss."

Boss? May iba pang Boss maliban kay Simon Villaflor? "No!" Nagpumiglas siya pero iyong isang lalaki ay hinawakan ang kanyang isa pang kamay.

"Mas maganda ka nga sa malapitan," komento ng lalaking may mahabang buhok. Marahas niyang hinila ang mga kamay pero nanggigil ang dalawang hinila siya palabas. Hindi ang mga ito ang nagdala sa kanya sa kwarto ngunit parehong mga armado. She could see their guns tucked in their bodies.

"Tumigil ka! Walang tutulong sa'yo dito. Kung hindi ka lang gusto ni Boss ay baka kanina pa kita pinatay." Umapaw ang kaba sa kanya sa banta na iyon. She was trained to fight and defend her life, but how could she do that when she could be killed any minute.

Kahit tumakbo siya ngayon at lumaban ay mababaril pa rin siya. She couldn't run for her life. Napangunahan siya ng panginginig. Ito ang unang pagkatataon na makaharap siya ng totoong mga armadong lalaki.

Pumasok sila sa elevator na hawak pa rin siya ng mga lalaki. Labis ang kanyang kaba nang makarating sila sa pinakamataas na floor. Tahimik iyon at hindi na siya nagreklamo. Nakasunod lamang siya sa dalawang lalaki hanggang makarating sa isang kwarto.

Sumalubong sa kanya ang baho ng sigarilyo, rum, at ng isang kakaibang amoy. Nakakairita iyon sa ilong. Madilim ang paligid, tanging mahinang ilaw ng mga lampshades sa gilid ng kama ang nagpapaliwanag sa kwarto.

"Ito na po siya, Boss," yuko ng lalaking mataas ang buhok. Pumunta ang mga ito sa labas, iniwan siyang mag-isa. Lovi wanted to scream, but her legs were shivering. Ito siguro ang may-ari ng buong building.

Akala niya sa lalaking nag-alok ng fifty million siya dadalhin. Sa pagtitig niya sa nakahiga sa gitna ng kama na nakasandalbsa headboard ng nito, isa iyong lalaki na nasa mid-forties, naninigarilyo ito.

"Ikaw pala ang babaeng malaki ang kita ngayong gabi. Someone just let go of his fifty million for you," humalakhak ito, tunog demonyo. Bumaba ang lalaki mula sa kama na may kakaibang ngisi sa mga labi.

Nakaramdam nang pandidiri si Lovi sa mga ngising iyon. Gusto niyang palabasin si Vanessa sa impyernong ito pero ngayon ay unti-unti niyang naramdaman ang takot. Hindi natakot na mamatay kundi takot na mahawakan ng kung sino mang lalaki.

Hindi pwede. Nilakasan ni Lovi ang kanyang loob, kinuyom ang mga kamay nang mariin, at tumindig ng tayo. Isang pikit ang kanyang nagawa nang maramdaman ang haplos ng lalaki sa balikat niya.

"You're very beautiful. Batang-bata. Ilang taon ka na?" May bumikig sa lalamunan ni Lovi. Halos hindi na siya makahinga dahil sa lakas ng tibok ng puso. Takot.

Hindi siya sumagot kaya pinisil siya ng lalaki sa magkabilang braso. Nasa harapan ang lalaki na hindi niya alam ang pangalan. Mapanganib itong tingnan, makapal ang balbas, at mahaba ang buhok. Mapupula rin ang mga mata nito na halatang may iniinom.

"Bago ka angkinin ng lalaking iyon, magiging akin ka muna..." Awtomatikong napaatras si Lovi.

"Hindi pwede! Someone paid me for fifty million, hindi ka ba tutupad sa karapatan ng customer mo?" She knew that was just for defense, but not right to say. Mababaliw na siya. She was still weak despite of all the trainings. Her heart and mind wasn't prepared for this kind of encounters.

"Bakit? Ano ba ang pagkakaiba, bata? You're not a virgin for you to be afraid. Huwag mong tanggihan ang bagay na hinahangad ng mga babaeng nakikita mo sa labas. That fifty million will be yours."

"I don't need it! I just want my friend to be free!" Hinila nito ang kanyang mga kamay, pero malakas ang paghatak pabalik ng lalaki sa kanya. Niyakap nito ng mahigpit ang kanyang katawan. "Tulong! Tulungan niyo po ako!"

"No one will help you. I own this place." Demonyo ang ngiti ng lalaki. Lumunok siya, nagbabadya ang luha. Ngunit sa kabila ng kanyang kamalasan ay biglang may naisip si Lovi. Kumalma siya sandali. She smiled sweetly at the man. Nagpahawak siya kaya naging malaki ang ngisi ng lalaki.

Mariin ang paglapat ng kanyang mga labi nang malakas niyang tinuhod ang gitnang parte sa pagitan ng mga hita ng lalaki. "Aray! Putangina mo!"

Doon siya nakatakbo papuntang pinto, hinanda ang sarili upang labanan ang mga lalaking nagbabantay sa labas. Agaran na bumukas ang pinto pero ibang lalaki ang nakita niya.

It was that handsome and dangerous looking man at the club a while ago. The man who paid her fifty million pesos. Hindi alam ni Lovi kung bakit nakaramdam siya nang kaginhawaan. All the troubles and fear breaking her heart let her tears fell from her eyes.

"Run as fast as you can. Wait for me at the underground parking." Lovi nodded like a loyal follower. Lumabas siya kahit hindi niya alam ang gagawin ng lalaki sa loob. Nakahandusay na ang mga nagbabantay sa labas ng kwarto. They looked dead based on the severe bruises on their faces.

Walang takot na naramdaman si Lovi. These men deserves these or whatever! Dapat lang na maparasuhan ang sinong lalaki na nangha-harass ng isang babae, sa pagtingin o paghawak man.

Lovi couldn't run fast as she felt a strange worry ranged in her chest. Ano ba ang gagawin ng lalaking iyon doon? Nasa harap na siya ng elevator, sumusulyap sa gawi ng kwarto, hinihintay ang paglabas ng lalaki.

Lumabas nga ito pero kinarga lamang ang isang lalaki na nakahandusay sa labas saka ipinasok iyon sa loob. Seconds passed by, lumabas ulit ang lalaki, papatakbo sa kanya.

May gulat sa mga mata niya. His cold brown eyes were killing her senses away. Sobrang mapanganib tingnan ang lalaki. Sakto ang pagdating ng lalaki ay siya ring pagbukas ng elevator.

"You will come with me," malalim nitong utos.

Nanigas yata siya dahil sa lamig ng boses nito. Hindi niya alam ang isasagot o gagawin. Mapagkakatiwalaan ba niya ito? Walang nagawa si Lovi kundi ang sumunod dito papasok ng elevator.

Billionaire's Innocent SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon