Chapter 4

4.8K 178 4
                                    

Unedited.
__

LOVI didn't know where that man brought her to. Narinig na lamang niya ang marahan na pagalaw ng mga kurtina at mga paghampas ng alon sa dalampasigan.

Nasa tabing dagat ba siya?

Bumangon siya nang maalala ang nangyari kagabi. Nakatulog siya sa kotse ng lalaki dahil sa gulat sa mga nangyari.

Magaan ang katawan ni Lovi. Suot pa niya ang dancer's dress kagabi. Napasarap yata ang tulog niya nang makitang sobrang liwanag na ng paligid. The white queen sized bed was so soft. Maaliwalas ang buong kwarto. Walang masyadong kagamitan maliban sa settees na ilang metro ang layo sa kama. May wall na nakapagitan sa dalawang sliding windows. At sa dingding na iyon nakadikit ang LED TV. The curtains were down. Manipis iyon kaya kitang-kita niya ang malayong dagat mula sa pagkakahiga.

Sobrang namangha siya. Bumaba siya sa kama para lumapit sa binata, hinawi ang kurtina. Ilang taon na siyang hindi nakakita ng dagat. Kapag nakakita man siya ay iyong itinatakas siya ng Mama niya. Lovi was heavily guarded ever since.

Lahat ng mga bagay sa labas ay natutunan niya kapag nakakapuslit kay Mang Danny. Hindi rin niya madalas tinatakasan ang matanda kasi ito ang mapapagalitan ng kanyang Papa kapag nahuli sila sa pag-uwi.

The blue ocean was like a paradise connecting the long white beach. Sa malayo ay mga mumunting isla. Nasa Palawan ba siya dinala ng lalaki?

It wasn't considered kidnapping because the man paid her for fifty million. May obligasyon sa dito kapalit ng kalayaan ng kanyang kaibigan.

Pinagmasdan pa niya lalo ang paligid. May malawak na oval swimming pool sa harap ng tinatayuan nitong bahay. May mga sun loungers doon at glass tables na may sunny umbrellas.

Doon lamang niya napansin ang matangkad na lalaki na nagja-jump rope. Base sa gwapo nitong mukha, siya ang lalaking nagdala sa kanya rito. Until now, Lovi didn't know what he had done to that pervert man. Walang saplot sa itaas ang lalaki. Kumikinang na ang matigas nitong katawan dahil sa pawis.

Every movements were precise. Lovi couldn't take off her eyes off him. Napanganga siya sa matitigas nitong muscles sa tiyan. Sobrang gwapo ng binata. Halata ang matangos nitong ilong sa kalayuan. Kung pagbabasehan ang mukha ng binata ay magkasing edad siguro ito kay Dimitri. Her cousin was twenty-eight years old.

Biglang natigil ang lalaki na agarang nag-angat ng tingin sa direksyon niya. Hanggang dito ay ramdam ni Lovi ang malamig nitong titig kaya napatalikod siya. Her heart was beating faster as she got out of the room. Her breathing was faster than she could imagine as it made her melt at any seconds.

Hindi dapat siya napangunahan ng kaba. Gusto niyang kausapin ang lalaki at kung kailan siya iuuwi nito. Nakasalubong niya naman ito sa living area. Hindi siya pinansin ng lalaki at umupo lamang sa mahabang couch, nagpupunas ng pawis sa katawan.

"I made your breakfast. Kumain ka muna," inabot nito ang cellphone sa center table nang mabitawan ang tuwalya. Kahit malamig ang boses ng lalaki ay tila natunaw si Lovi dahil sa sinabi nito.

Ngunit binalewala niya muna iyon. "Kailan ako makakauwi? Saan mo akong dinala?"

"My island here in Palawan. At hindi ka pa makakauwi. Pinaghahanap ka ng mga pulis."

Natigilan si Lovi. Bakit siya hahanapin ng mga pulis?! Tila kalmado pa ang lalaki. "Bakit?"

"Ayon kay Simon Villaflor, ikaw ang huling kasama ni Mariano Palanca sa kwartong iyon. And Mariano Palanca is dead," nakita niya ang pag-angat ng sulok ng labi ng lalaki. He was satisfied.

Mariano Palanca? Ang matandang lalaki ba kagabi? Nanlamig siya nang rumihestro ang ideya sa kanya. "Pinatay mo siya nang pumasok ka doon?"

"He deserves it. He should be dead," madiin nitong untag, medyo tumaas pa ang boses. Nang magtama ang mga mga nilang dalawa, tila'y nanlamig siya sa galit sa mga mata ng lalaki. "Dito ka lang sa isla habang ginagawan ko ng paraan. Kung nakatakot ka sa akin, hindi kita papatayin dahil may utang ka pang fifty million sa akin. Babayaran mo pa iyon."

Mas doon nanghina si Lovi. Bumakas sa kanya ang panlalamig at kaba. Imagining herself underneath his hard body on that bed made her shiver. Kumurap siya, umatras dahil nanaas ang balahibo niya.

Paano na? Siguradong nag-aalala sa kanya ang mga magulang niya?

"Ikaw ang dapat hanapin ng mga pulis? Bakit ako?" Bakit mo ako dinadamay?!" Gusto nang umiyak ni Lovi. Ang totoo ay nilulukob siya ng takot.

She was trained to be strong but she didn't know her fate inside this mansion, trapped with him in this island. He was a killer. It was obvious that he was dangerous.

"Malinis akong pumatay. Nagkataon lang na buhay pa pala si Simon Villaflor at alam niyang pinatawag ka ni Mariano Palanca kagabi. I should've shot him in the head. That fat man..."

Kahit ang salitang pumatay ay kay bilis lang nitong sabihin. Pinagmamalaki pa ng lalaki iyon talaga.

"It's my responsibility to hide you here while I'm cleaning everything. And you have a responsibility to me also. Patas lang tayong dalawa. I will not let you go back until I get what I want." Nanginit ang sulok ng mga mata ni Lovi dahil alam niya ang gusto ng lalaki.

He wanted her to pleasure her. Kapalit ng fifty million.

"You're a bad person. You killed people," may takot sa boses niya. Walang emosyon na tumayo ang lalaki, mas lumamig ang tingin sa kanya.

"It's none of your business, woman. Pasalamat ka na lang wala sa isip ko na patayin ka ngayon. I don't kill innocent people. Kapag may ginawa kang masama sa akin, doon lang kita papatayin."

Kumuyom ang kanyang kamao. Gusto niyang labanan ang lalaki pero halatang matatalo siya. His biceps and chest muscles were strong. Madudurog siya sa isang hampas lang.

Aakyat na sana ang lalaki sa hagdan nang tinawag niya. "I don't have clothes."

"I have. Mga damit ko ang suutin mo."

JENNIE JEM©
VOTE AND COMMENT

Billionaire's Innocent SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon