Chapter 20

4K 129 18
                                    

Unedited. Typographical and grammatical errors.
__

"MAHAL kita," iyon ang bulong ni Lovi kay Roch pagkatapos niya itong halikan sa noo. Mahimbing pa rin ang tulog ng binata. One day after the incident happened, he was still unconscious.

"Babalik ako bukas, Francis," bilin niya kay Francis na siyang magbabantay ngayon kay Roch kasama si Mara. Bumili lang ito ng hapunan sa labas.

"Sige po, Ate."

Isinukbit niya ang kanyang sling bag, ginulo ang buhok ni Francis. Sumulyap muna siya kay Roch bago lumabas. He was not stable but she was worried.

Pagkalabas niya ay muntikan na niyang makabangga si Marina na taas noo ang paglalakad. Mabuti naman at nagpakita ito. But the madness she was feeling for Marina just faded. Pagod siya para komprontahin ang babae sa mga kasinungalingan na sinabi nito sa kanya.

"Nandito ka pa rin?" masungit nitong tanong. Lovi's eyes were dark as she stared at her.

"It's none of your business. Hindi ka ba napapagod sa pagiging maldita?"

"Hindi. 'Cause I really hate you to hell. Kasalanan mo kung bakit nasa ospital ngayon si Roch."

Lovi flicked her fingers and sighed. "Yeah. Yeah. Whatever."

Tumiim ang bagang ni Marina, lumapit sa kanya. She grabbed her arm and gripped it tightly. Fuck! Humapdi agad ang braso niya dahil sa matatas nitong kuko pero nanatili siyang matatag.

"Tell your father to stop messing with other people's lives. Kung hindi mo naman inakit si Roch ay walang mamamagitan sa inyo, hindi magagalit ng ganito ang Papa mo."

"How do you know that my father got angry? Fortune teller ka?" Malakas niya itong itinulak. Isang halakhak ang kumawala dito dahil muntikan na itong matumba. "If you want my father to stop, then stop yourself first. Pagod na pagod ako kahit gusto na kitang sabunutang tangina ka."

"I just know how devil works."

"Tangina mo pa rin." Lalakad na sana siya nang biglanh hablutin nito ang braso niya. Her mind reacted what to do, isang sampal mula sa kanya ang dumapo sa pisngi ni Marina. "Stop touching me, you bitch!"

"Hiwalayan mo si Roch! He's mine, slut!"

"Kung slut ako, ano ka naman? Desperadang whore? Bitch? Witch? Kaibigan ka ni Roch, kaya ni-re-respeto pa kita. Kapag nasagad ang pasensiya ko, baka ako hindi lang sampal ang aabutan mo sa akin. I don't care if you work as undercover agent or whatsoever. Let's fight. Fair. Babae sa babae. Tingnan natin kung sino ang totoong mahal at mahalaga. Maybe you're important to him, but as a friend."

Mabibigat ang paghinga ni Marina na halos gusto ng sumabog dahil sa galit. Sumabog ka! Wala siyang pakialam dito!

"Wala akong pakialam sa'yo kung mamatay ka man sa galit sa akin. I'm tired of entertaining your problems with me. This is the last time I will be talking to you."

At doon siya tumalikod para umalis. Narinig niya pa ang pagsigaw ni Marina dahil sa galit.

Isang buntong-hininga ang hindi mapigilan ni Lovi. She was so tired. Hindi na siya natutulog mabantayan lang ang paggising ni Roch. Mabuti ngang inaasikaso ni Mara at Vincent ang pag-iimbestiga sa nangyari.

Pagkalabas ni Lovi sa ospital ay sinalubong siya ni Mang Danny at dalawa pang mga tauhan ng kanyang Papa. Hindi sana siya papalabasin ng Papa niya na nalaman ang balita kahapon, pero nagpumilit siya. Pumayag naman ito pero sa isang kondisyon, dapat may tauhan nitong magbabantay.

Billionaire's Innocent SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon