Chapter 21

4K 133 20
                                    

Unedited.
__

AFTER two days from the day Lovi's father had been arrested, nakadungaw si Lovi sa bintana ng kanilang bahay. Iyong mga tauhan ng Papa niya na nanatili sa kanila ay pilit na inaawat ang mga media men na gustong pumasok para makakuha ng impormasyon.

Ilang araw na silang laman ng news sa iba't-ibang network channels at social media platforms. Her identity was now exposed as the governor's daughter. Gulat nga ang ilan niyang kakilala sa school. Her employees in the restaurant messaged her for her welfare.

Some of her friends, well classmates in school, expressed sympathy to her and her mother. Pero hindi niya kailangan niyon, hindi naiintindihan ng mga ito ang buong kwento.

Iniisip niya ang ginawa ng Papa niya. Yes, what he had done cannot be restored again. Iyong mga masasamang gawain nito ay hindi mapapantayan ng pagkakakulong lang. And her father being jailed affected her. Hindi niya matanggap ang lahat. Hindi pa rin siya makapaniwala.

Nagmahal ang Papa niya. Totoo silang mahal ng Papa niya at sobrang sakit na imbis sa kanila sana maibigay ang oras nito ay sa masasamang bagay nito ibinunton ang galit.

She didn't know what to do. It consumed her. Mahal niya ang Papa niya. Hindi niya kayang isipin kung gaano ito maghihirap sa loob ng kulungan, but that was the punishment. The justice those people deserved. Kailangan itong magbayad sa mga nagawa nito, ang magagawa lang ni Lovi ay mag-move on at tanggapin.

But that was her problem, she should accept but she couldn't even find ways how to do it.

Narinig ni Lovi ang pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto pero hindi siya lumingon. She was watching at the media men. "Charlotta," her mother's voice. "I decided that we should go abroad. May naipon naman akong pera sa mga negosyo natin. Iyong mga negosyo ay baka ipagkatiwala ng Papa mo kay Miguel kung nasaan man siya ngayon."

Well, si Miguel naman ang pinagkakatiwalaan talaga ni Papa kaya hindi dapat sila mangamba. Gusto na lang ngayon ni Charlotta ay magbagonh buhay. Mawala ang mga bakas ng pagiging Imperial niya at pagiging gobernador ng Papa niya. These things that were happening were unfathomable.

But, she pitied her father.

"Pababayaan natin si Papa dito, Mama? Hindi natin siya sasamahan sa Korte?"

"Sasamahan ko. I will be there, of course. Pero ikaw, gusto kong makapagpahinga ka sa ibang bansa. Makakasama mo naman ang Auntie Meredith mo doon."

Lovi sighed heavily, as if her world was crashing down sinced that day. Umupo ang Mama niya sa kanyang kama, nagmamakaawa na sana maintindihan niya ang mga sinasabi nito.

When she couldn't utter an answer, her mother continued, "Makakapagbagong buhay ka doon. Kapag nanatili ka sa Pilipinas, you'll be judged. Magiging sugat na hindi maghihilom ang mga nangyari ngayon. Makukutya ka. I don't know what are the other consequences, but I assure you, I'll protect you, Lovi. Nandiyan pa rin ang mga kalaban ng Papa mo. Hindi natin alam kung sapat ba ang pagkakakulong niya at na hindi tayo saktan. There's still a danger out there especially now that you're father surrendered."

She moved from where she was standing, walking to her bed. "Naiintindihan mo ba ako?" pagtatanong ng Mama niya nang hindi pa rin siya sumagot.

Her heart was hollow. It was as if her body was eaten by weakness and despair. Her breathing was rigid. May nakabarang bagay sa lalamunan niya dahil gusto niyang umiyak pero pinilit niyang huwag na.

Billionaire's Innocent SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon