Life in a Pet’s Point of View
Isang malamig na Martes, alas-kwatro ng madaling araw, gumising ang isang babaeng anak ng aking amo. Siya ang panganay. Nang siya’y makalabas, dali-dali akong tumalon sa sofa at tumakbo papunta sa kaniya. Halata ang gulat sa kaniyang mga mata sa kabila ng pagiging antok pagkatapos kong idikit ang aking mabalahibong katawan sa kaniyang mga binti at apakan ang kaniyang mga paa. Sa mga sandaling iyon ay ngumiti siya at umupo upang hawakan ako at ibalik ang tingin na kanina ko pa ginagawa magmula nang lumabas siya sa kwarto.
“Whitey!” Kaniyang tawag sa aking pangalan.
Isang salitang ako at ang mga kalahi ko lamang ang naging tugon ko, “Ngiyaw!” Kasabay noon ay ang pagtapak ko sa kaniyang mga paa at paghilod sa kaniyang mga binti gamit ang aking katawan muli. Nagtapos ang aming pagtatagpo sa pagkamot ko ng aking tainga at pagkalaglag ng sandamakmak kong balahibo.
YOU ARE READING
Banyuhay
RandomBanyuhay is the Tagalog word of 'metamorphosis'. This book features proses and free verse poem(s) I have written during the year 2019 onwards. The reason behind the title is because I have undergone (or am undergoing) metamorphosis as I am trying to...