Chapter Twenty Six

12 2 0
                                    

Is it a dream? What is she doing here at bakit sya walang damit ?
Takang tanong ni Yura.
The place looks familiar.
Maraming hayop sa paligid. Pero lahat sila ay tahimik na namumuhay. Are they all vegetarian? Bakit kumakain ang Leon ng damo? Ang weird. Why do birds with the other beast pero ni hindi sila nito pinapansin. It's as if every animals lives in harmony. Naglakad lakad si Yura hanggang sa makarating sa gitnang bahagi ng tila napakagandang paraiso, lahat ng puno ay maraming bunga, maraming bulaklak ang mga halaman At tinatangay ng hangin ang mabango nilang amoy. Maraming ibon At paru-paro sa paligid. Saka nya Lang napansin, ang lahat ng hayop doon ay May kapares, bigla nyang naalala si — wait Bakit hindi nya matandaan ang pangalan ng nagmamay ari sa mukhang iyon? Nasaan ba talaga sya.

Inikot ni Yura ang paningin sa paligid hanggang sa napansin nya ang nag iisang puno sa paningin nya. Walang ibang katabing puno yun. Nagliliwanag ang puno gayun din ang mga bunga nito. At parang ang sarap kainin nun...

Ang lahat ng bunga sa loob ng hardin ay maaari nyang kainin pero huwag nyang kakanin ang bunga ng puno na nasa gitna ng hardin , ang bunga ng Puno ng Kaalaman sa Mabuti At Masama At sa araw na kanin nyo ito. Agad kayong mamatay.

Tila voice over yun sa isip ni Yura.
The voice make her dizzy.
It's warming presence makes her feel loved.

Tama bawal kainin ang prutas.
Agad na umurong si Yura. Pero sa pag urong nya ay May naapakan siyang sanga. Mula sa likod ng puno ay May dumungaw na napakagandang lalaki.
Napakaamo ng mukha nito. At hindi maiwasang namula sa paraan ng pagtitig nito.

"Ikaw marahil si Eba, tama ba ako?"
Ngumiti ang lalaki na nanatili pa rin sa likod ng puno.

"Ako nga"
Nagtaka si Yura na iba ang sinagot niya. She supposed to say no. Pero wait Bakit Eva ang sinabi nyang pangalan nya.
Kinilabutan bigla si Yura.
Now she realized she's not controlling this body. Kusa na itong gumagalaw mag isa at nagsasalita mag isa. Wait hindi kaya nanaginip sya? Pero this feels real.... ano nga bang nangyari bago ito? Wait. Di nya matandaan...

"Napakaganda mo nga pala talaga eba, sinabi na ba sayo yan ni Adan?"
Sabi ng lalaki sa puno.

"Hindi... lagi syang abala sa pangangalaga sa mga hayop. Lagi nyang sinasabi na tungkulin namin alagaan sila Gaya ng pag aalaga ni Ama sa amin"
Sabi iyon ni Eba.
Kahit pilitin pumikit ni Yura ay di nya magawa, hindi sya comfortable sa pagtitig ng lalaki lalo nat nakahubad sya. Alam nya ang pagtitig na iyon. May halong malisya.
Ano ba eba! Sigaw niya sa isip pero mukha hindi talaga sya ang eexist sa Mundong ito.

"Ah sayang naman. Hindi ba sya ang iyong mapapangasawa?" Tanong ng lalaki.

"Mapapangasawa?"
Inosenteng Tanong ni Eba.

"Tingnan mo ang mga hayop na yun"
Turo ng lalaki sa pares ng mga ibon na magkakapareha At masayang umaawit.
Tinuro din ng lalaki ang pares ng mga leon At mga usa na tila naglalambingan pa.

"Hindi ba mukhang masaya sila na magkasama? Ganun din ba kayo ni Adan?"
Tanong ng lalaki.

Lumungkot ang mukha ni Eba. At naramdaman nya ang nadarama ni Eba.
Unti unti tila nagkakaroon sila ng koneksyon, nakikita nya ang ala ala nito. Si Adan kausap ang Diyos na di nya maaninag dahil napakaliwanag nito. Si Adan Lang ba ang nakakakita sa Diyos? Bakit di nya ito makita? Then nakita nya ang ala ala at mga emotions ni eba, habang nagpapangalan si Adan at siya ay nasa tabi lang hinihintay itong matapos para makapaglaro na sila ng habulan. Si Eba na namimitas ng mga prutas habang si Adan ay kalong ang isang tupa At pinakapakain ito. Marami pang ala ala ang nakita ni Yura. Napakamartir pala ni Eba, laging pinaghihintay ni Adan, are they supposed to be partners? Eh mukhang alalay lang pala ang labas ni Eba eh.

"Lagi siyang abala sa mga hayop. At naiiwan ako para maghintay matapos sya sa kanyang Gawain, gusto ko rin gawin ang ginagawa nya pero Sabi nya hindi pa ko handa. At ang Gawain nya ay Gawain sya lang ang maaaring gumawa"
Nakayukong Sabi ni Eba. Napansin ni Eba na May pumatak sa mata nya. Tubig?

Possessed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon