Chapter Two

32 3 0
                                    

**Above is what I imagine for Yura with her exorcist uniform. ***
———————-

2 years after

2:45 am

Mabilis ang pagtakbo ng isang anino. Halos madapa ito pero pinilit pa ring tumakbo, lumiko ito sa isang eskinita para lamang mapaurong. Mula sa dilim ng eskinita ay niluwa si Yura.

"Wag ka nang tumakbo, sumama ka na lang ng maayos"
Walang ngiting sabi ni Yura. May hawak siyang gawa sa bronze na kadena na ang dulo ay isang bronze din na crucifix.

Napatingin ang lalaking hinahabol nila sa cross at tila nakakita ng kasumpa sumpang bagay.

"Please hayaan nyo na ko. I'm ok. Look!" Pinakita nito ang mga braso.

"Wala na yung mga black marks, I'm fine now."
Nakangiting sabi nito.

"Not yet."
Mula sa likod ng lalaki ay lumabas ang matangkad na binata. Tulad ni Yura ay nakasuot ito ng itim na suit at puting pang ilalim, nakapantalon na itim samantalang si Yura ay nakaskirt pula. Pareho silang may pula at puting necktie na nakapailalim ng maayos sa Exorcist Uniform nila.

"Oh please don't make it hard for us"
Sabi ng binatang exorcist at chineck ang oras sa wristwatch.

"Just in time." Sabi ng binata.

Tumango si Yura at mabilis na hinagis sa lalaki ang kadena, pumulupot iyon ng kusa sa lalaki.
Napadaing ang lalaki ng tuluyang mahuli ni Yura ng kadena. Tila nanghina ito at mayamaya'y nakatulog.

Dinala nila sa basement ng kalapit na bahay na pansamantala nilang tinutuluyan ang lalaki. Tulog na tulog pa rin ito.

Gamit pa rin ang kadena ay tinali pa rin nila ito sa isang silya. Hinarap sa isang Oval na salamin. Sa surface ng salamin ay may paper talisman na nakadikit.

"Ang tagal nyo!" Nakasimangot na bumungad sa pinto ng basement si Trisha, ang Trapper nila.

"And who's fault why the host escaped?"
Di makatiis na sumagot si Yura.

They were supposed to be done entrapping the spirit sa salamin pero dahil  missing in action ang trapper eh ayon nakatalon sa bintana ang level 2 possesed na host.

And now kasalanan daw nila.

"You don't tell me what to do! It's your job na bantayan ang host hanggang sa ready na ako ientrap ang spirit!"
Galit pang sabi ni Trisha.

Sasagutin sana ito ni Yura pero pinigil sya ni  Karlisle(pronounced as Karlay).
Ang partner niya as Seeker. Their role as exorcist ay restrain and arrest level 2 possesed host. Trisha is the trapper, dito nila sinusurrender ang nahuhuli na host at ito ang nagtratrap sa spirit sa salamin. At saka na naman ibibigay sa Leader nilang si Yumar. Yumar stores the spirit sa isang special talisman fed by positive energy and holy prayers. It serves as Temporary detention sa spirit.

Nakasimangot pa rin na sinimulan ni Trisha ang transfer prayers. Kung titingnan parang simple lang ang ginagawa ni Trisha, nakapatong ang kamay nito sa ulo ng host at ang isang kamay sa salamin habang nakapikit at umuusal ng dasal.
It usually takes only a minute at tapos na , pero something happened.
Trisha suddenly stopped praying.
Mayamaya pa'y nagmulat ito.

"It's done"
Nakangiting sabi nito.
But that smile is not the smile Trisha does.

Kaya naman napaatras sila ni Karlisle.
"Anong oras na"
Bulong na tanong niya sa kapartner.
"It's 3 am exactly"
Sabi ni Karlisle at palihim na kinapa ang holy pistol na nakalagay sa bewang nito.
Si Yura naman ay hinanda ang kadena niya.

"The devils hour"
Nakangiting sabi ni Trisha.

"Diba yan ang tawag nyo dito"
At humalakhak si Trisha.

Possessed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon