"Saan ka?" Tanong ni Mama nang makita niya akong nag-aayos ng sintas ng ankle boots ko.
"May gig kami, Ma. Nasabi ko naman nang isang araw, 'di ba?"
Lumuhod siya at inagaw ang sintas. Inayos niya 'yon at pinanood ko lang ito.
"Gaano na kayo katagal sa mga gig niyo?"
"Six months na rin,"
"Tagal na pala." Ang kabila naman ang kaniyang inayos. "Nakakapag-ipon ka ba diyan?"
Sunod-sunod akong tumango. "Ang laki palagi ng tip nila sa 'min, Ma! Lalo na sa 'kin. Gustong-gusto raw nila boses ko."
Inangat niya ang tingin sa akin at ngumiti. Tumabi siya at hinaplos ako sa balikat.
"Talaga?"
"Opo,"
Huminga ito ng malalim at muling ngumiti. "Manang-mana ka talaga sa 'min, Ashleigh."
"Hmm? Talaga?"
Tumango si Mama at kinuha ang kamay ko. Dinala niya it sa kandong niya at hinaplos-haplos.
"Nagkilala kami ni Ace noon dahil sa gigs ko. Ako ang main vocalist." Kahit may bahid ng lungkot ang tinig niya, mapapansin pa rin ang pagmamalaki dito. "Kinailangan namin ng bagong member kasi biglang nagback-out 'yong isa. Tapos ayon. Mag-iisang taon kami ni Ace. Naudlot. Dahil wala akong pera, kinailangan kong magtrabaho nang magtrabaho. Naubos oras ko, tapos si Ace nakatapos bilang flight attendant. Tumigil ako no'n."
Tumingin siya sa akin at malungkot na ngumiti.
"Mahal ko pa siya non. Nag-asawa ako kasi naniwala ako sa mga narinig ko na malapit na ikasal si Ace. Gawa-gawa lang pala 'yon ng magulang niya kasi hindi nila tanggap relasyon namin. Ayon...katorse anyos si Fritz, nagkita kami ulit. Nagulat ako...kasi hindi pa pala siya kasal. Wala pang girlfriend." Huminga ng malalim si Mama habang binabalikan ang nangyari sa nakaraan. "Hindi ko sinabi sa kaniya na may pamilya na ako...at nagkaroon kami ng closure sa isang bar. Na nauwi sa isang kasalanan." Liningon niya ako ulit at binigyan ako ng tipid na ngiti. "Doon ka nabuo, Ashleigh."
Sumandal si Mama sa sofa kaya sumandal din ako. Hindi ko maalis ang tingin sa nasasaktan niyang mukha.
Pansin ko simula noon...na hindi puro ang pagtingin ni Mama kay Papa Bert. Mahal na mahal ng magulang ko ang isa't-isa. Pero kapag pupunta ako sa kabila, kitang kita ko rin paano magmahalan ang magulang ni Ashley.
Mundo ang nagpahiwalay sa kanila. Mundo na ang kalaban nila. Ang masakit lang, masyado silang mahina para ipanalo ang kanilang pag-ibig.
"Pareho kaming lasing at kinabukasan, nilayasan ko siya. Takot na takot ako non. Alam kong mali ako, pero nanaig ang hilaw pa naming pag-ibig."
Hindi ko maalis sa isip ang kwento ni Mama kahit sa rehearsal namin. Sanay naman ang mga kasama ko na hindi ako palasalita kaya hindi nila napansin na malalim ang iniisip ko. Siguro kung alam nila ay pagsabihan na nila ako kasi magsisimula na kami within 30 minutes.
Minahal ng magulang ko ang isa't isa nang buo at totoo. Ang sakit pala siguro noong ganoon. Ang pareho niyong mahal ang isa't isa pero mundo na ang nagsabi na hindi kayo pwede. Huminga ako nang malalim dahil parang naiiintindihan ko ang bigat ng nararamdaman ni Mama. Magkaiba kami, pero parehong mundo ang kalaban namin pagdating sa aming pag-ibig.
Tanggap ko na hindi ako at hinding-hindi ako magugustohan ni Clyde. Maliban sa inaalagaan kong pagkakaibigan namin, natatakot ako na baka masaktan si Ashley. Kapag naging makasarili ako at ipaglaban ang pag-ibig ko, pareho ko silang masasaktan. Lahat kami masasaktan.
YOU ARE READING
Dear, Best Friend (Completed)
Teen FictionAshleigh Brille Constantino was once a top student who happen to be a gifted. A typical girl who aims the top spot for validation. She only has one person to hold on: Clyde Montessori, her childhood friend. He was the start of her downfall. Ashleig...