Prologue

181 44 4
                                    

Hindi ko mabilang kung ilang araw na akong umiiyak... pero ito na ata ang pinakamalakas na ahon ng luha ang naibuhos ko. Hindi ako makapaniwala na dadating ang araw na 'to. Mahina akong tumawa at pinunasan ang luha na hindi naman matigil sa pagbuhos.

"Ashley Bree... sa altar ang huling lakad natin. Ikaw ang ihaharap ko sa Kaniya." Mahina, ngunit maingat at dahan-dahan na sinabi ni Clyde.

Humikbi ako at mahigpit na kumapit sa kaniyang kamay. Tumango ako nang tumango.

Sinuot ko ang singsing na kaniyang binigay sa akin at mapait na ngumiti.

"Ash," tawag niya sa akin. Agad akong umalerto at dumungaw sa kaniya.

"Hmm?" Basag pa ang boses ko sa magkahalong emosyon.

Ngumiti si Clyde. Ngumiti siya... iyong ngiti na gustong gusto ko. Iyong ngiti na nagpahulog sa akin. Iyon ngiti na nagpalunod sa akin.

"Gusto ko marinig pangalan mo,"

With that, I lost it. I broke down. I lost all my senses and cried even harder.

Oh, God. I love him. I really love him.

"Ashleigh Brille Constantino." Napapaos kong bulong.

Umaliwalas ang mukha ni Clyde.

"ABC ko..." huminga siya ng malalim. "Make sure Ashley Bree will wear that ring. Magpapakasal pa kami, hmm?"

I nodded.

Maybe we're not really meant together but I will support your love, my love.

"Si Ashley Bree, mahal ko 'yon, eh..." with those words, he smiled as if it was the most beautiful name he ever known.

Dear,
BEST FRIEND.

I LOVE YOU.

Dear, Best Friend (Completed)Where stories live. Discover now