Twenty-Seventh Page

35 9 0
                                    

I don't know where it started. I don't know where the root. I have no idea at all. I just found myself running towards Clyde's home and knocking continuously.

My head went blank and it keeps denying that one thing. There's no way... Siraulo ka, Clyde. Siraulo ka talaga. I hate you. I hate you to death. 

"Oh? Hija. Napadalaw ka?" Binuksan ni Tita ang pinto para mapapasok ako. Agad na lumibot ang mga mata ko sa sala. "Si Clyde ba? May flight. Sabi niya sa susunod na araw siya uuwi."

"T-Tita... kailan ho 'yan?"

"Ang alin, 'nak?"

"Uuwi si Clyde? Specific date?"

"Hindi niya sinabi. Teka, ano bang nangyari? May problema ba? Nag-away ba kayo?"

Umiling ako nang umiling. "W-Wala... babalik na lang ho ako..."

Tumango si Tita kaya napagdesisyonan ko na lang umuwi. Hindi pa rin ako naniniwala. Hindi ganoon kabaliw si Clyde. Pero buhay ni Ashley ang nakataya... bagay na gagawin talaga niya 'yon.

Waiting for him to come back felt like an eternity. Parang ilang dekada ang paghihintay ko when in fact hindi pa nga isang araw ang nakalipas. I will convince him. Maraming A type diyan na handang tumulong. 

Nag-aalala ako! Malala na ang kaso ni Ashley Bree. I overthink everything. Hindi siya. Hindi pwedeng siya.

"Doc," tawag ko sa magiging doctor ng operasyon ni Ashley. 

"Doc Constantino!" Baling niya. "Dito ka na ba sa hospital namin magtatrabaho? Sayang ka."

Tipid akong ngumiti. "May tanong lang sana ako, Doc. Tungkol sa case ng kapatid ko."

"Hmm... sino nga ulit?"

"Ashley Bree Pangilinan, doc."

"Ah, oo! Sorry, madami kasi akong pasyente. Oh, bakit? Anong meron sa kaniya?"

"Doc... pwede ko ho ba malaman ang success rate ng operasyon?"

Namulsa siya at tinagilid ang ulo. "Nasabi ko na sa magulang niya,"

"Gusto ko ho malaman."

I was holding my breath while waiting for his reply. Please, say that the success rate will be over 70%. Panatag ako roon.

"To be honest with you, Doc Constantino... the success rate is very low. We're gambling here and holding on at the 20% chance of her life."

"So 80% ang chance na..." I can't even utter the next words. 

"We'll do our best."

I don't know what to do. I don't know how. But later I just found myself crying, begging, on my knees and praying to Him. I'll leave everything on Your Hand. Please... iligtas mo si Ashley Bree at huwag ipahamak si Clyde. 

That was the first time I pray with all my heart. 

Hindi na mabago ang isip ni Clyde. Susundoin ko siya sa airport para kausapin. Kahit si Tita hindi alam ang desisyon niya na 'to. Pero ang gago tinakasan ako. Kung hindi pa ako sinundo ni Ashton kinagabihan ay hindi talaga ako aalis doon. 

Naka-block din ang number ko sa kaniya at sabi ni Tita kumuha raw ito ng apartment pero hindi sinabi kung saan. Ang gagong 'yon, nag-iiwas mabigwasan! 

Alright. Maniwala tayo sa 20%. The risk will be 80 but there's 20. Hindi mahina ang kapatid ko. Malakas 'yon. I believe in her. 

Palabas na ko ng hospital nang biglang may humarang sa akin. Agad napataas ang kilay ko nang makita si Cyrus na malapad ang ngisi. Naglabas ito ng bulaklak at binigay sa akin. Kahit nagtataka ay tinanggap ko pa rin. 

Dear, Best Friend (Completed)Where stories live. Discover now