Nineteenth Page

33 9 1
                                    

Hinila ako ni Ashton palapit sa kaniya at tinapik ang likod ko. Tahimik akong umiyak sa dibdib niya hanggang sa maramdaman ko ang paggabay niya sa akin palapit sa pinto ng bahay. 

Tumigil ako at umiling. Binigyan niya ako ng nag-aalalang tingin bago ulit ako tumanggi.

"Ayaw ko sa kanila..."

Hinawakan ko siya sa palapulsohan niya at tinuro ang kanilang kotse. 

"Kahit saan.. huwag dito. Masakit dito." 

Pero hindi kami agad nakaalis nang hawakan ni Clyde ang aking kabilang kamay. Akma na akong papasok ng kotse nang pigilan niya ako. Piniga niya ang kamay ko.

Mugto pa ang aking mata. Nakababa lang ako ng tingin. Rinig ko pa ang usap-usapan ng mga kapitbahay. Walang paglagyan ang hiyang naramdaman ko dahil sa pagpahiya ni Mama at sakit na dulot ng kanyang salita.

Dahan-dahan ang patak ng mga luha ko. Nakagat ko ang labi para hindi makagawa ng tunog ang aking pag-iyak. Sinubokan kong kunin ang kamay sa dalawang lalaki sa tabi ko pero ni isa ay walang balak bumitaw.

Suminghap ako at tumingin sa kalangitan para mapigilan ang luha. Masakit ang sinag ng araw pero nakadilat akong nakatingin sa itaas. Tinatanong Siya kung bakit ganito ang buhay ko. Wala naman akong ginawang masama.

Naging pabaya ako.. pero deserve ko bang masaktan ng ganito? Kasi sobra na, e.. hindi sa lahat ng oras malakas ako. Hindi sa lahat ng oras ay kaya ko. Gusto kong sumuko pero.. paano?

"Let her go," mahinang utos ni Ashton kay Clyde. Napapikit ako dahil dumadagdag sila sa sakit ng ulo ko.

"Ikaw ang bumitaw. Mag-uusap kami." Matigas na sagot ni Clyde.

Nainis ako sa sagot niya. Sa sitwasyong 'to ay talagang uunahin niya ang kung ano man ang gusto niyang pag-usapan. Nakakainis. Nakakakulo ng dugo. Sarap mong bigwasan. Sa sitwasyon ngayon, at kapag sasama ako sa kaniya, baka siya pa sumbatan ko. Tama na munang sila na ang iyakan ko. Ipagpahinga mo naman muna pagmamahal ko sa 'yo, Clyde.

"Bitawan n'yo 'kong dalawa." Mahinang sambit ko. Pero dahil do'n ay mas lalong humigpit ang hawak nila sa kamay ko.

Liningon ko si Clyde. May pagmamakaawa sa mga mata niya. Isa ka pa, ang hilig mo rin akong saktan, e 'no?

"Bitaw." Malamig kong utos, nagpapasensya na.

"ABC..."

"Bitawan mo ako... ayaw kitang makita o makausap."

Nangangapa ang kanyang mata at naghahanap ng pwesto sa akin sa oras na''to. Gulong-gulo ako sa mga signal mo, Clyde. Puno ng pagtataka na may halong inis ang mata niya nang bitawan niya ang kamay ko. Hindi naalis ang mata niya sa amin nang hilahin na ako ni Ashton hanggang sa makapasok na kami sa kotse.

Tahimik na pumasok si Ashton at inutosan ang driver nila na umalis na. dahil tinted ang bintana ay hindi nakikita ni Clyde na nakatingin ako sa kanya. Pagkatingin ko sa bahay ay nakita ko si Mama na nakasilip sa bintana. Hindi ko alam kung nakikita nga ba niya kami sa loob ng kotse dahil magkasundo ang aming mga mata, pero basang basa ko sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala.

Hindi ako nagtanong kung saan ako dadalhin ni Ashton. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang patuloy na lumalandas ang aking mga luha.

Nakakainis! Bakit kailangan pang marami ang makakita na umiyak na ako?!

"Manong, dito lang po kami.."

Bumaling ako nang tumigil ang kotse. Lumabas si Ashton. Bago pa siya makaikot para pagbuksan ako ay nakalabas na ako.

"Bakit dito?" Tanong ko habang nakatingin sa paligid.

Hindi siya sumagot. May kinuha siya sa compartment ng kotse. Gitara niya. Nauna siyang naglakad kaya sumunod ako. Nandito kami sa dagat ngayon. Dito kami noon pumunta nang i-kick out ako sa dance troupe.

"Dito dapat ako pupunta kanina nang pumunta ako sa inyo. N-Naalala kita at naisip na dalhin dito. I got nervous na baka hindi ka sumama so I decided to come here by myself. But you said na sa 7/11 na lang.. until your mother..." hindi niya tinuloy ang sasabihin.

Ngumiti ako ng tipid at tumingin na lang sa karagatan.

"Pasenya na. Napahiya ka pa dahil kay Mama."

Kita ko sa peripheral vision ko ang pag-iling nito. "Hindi ako mahihiyang kasama ka."

Dear, Best Friend (Completed)Where stories live. Discover now