Third Page

96 42 7
                                    

"Anong sasalihan mo para sa Music Festival?" Tanong ni Clyde. Pareho kaming nakaupo sa bermuda dito sa quadrangle. Nakasandal ako sa puno habang siya ay nasa harap ko at patuloy na kukukumpas sa gitara.

"Manira ng gamit ng mga intermission dancer." Sagot ko at sumimsim sa Chuckie.

"Gusto mong ihampas ko 'to sa 'yo?" Aniya at pinakita ang gitara.

"Gawin mo." Hamon ko. Pinanlisikan niya lang ako.

Umayos agad ako ng upo nang makita si sir Fritz na papalapit. Gano'n na lang ang pag-ingos ko nang lumagpas ang kanyang paglalakad, bagay na kinatawa ni Clyde.

Humiga ako sa grass at tinaas ang dalawang paa, pasandal sa puno. Pipikit ko na sana ang mata ko nang may humampas sa paa ko.

Nang tignan ko ay si Clyde. Ang kanyang gitara ang hinampas niya.

"Aray, Clyde! Inaano ba kita?!"

"Nakapalda ka!"

"Ano naman sa 'yo! May short naman ako!"

"Kahit na! Maikli ang short mo!"

"Bwisit ka Clyde! Masakit ang paa ko!"

"Bagay 'yan sa 'yo!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Tinaasan niya lang ako ng kilay at inirapan. Bakla kang hayop ka!

"Akin na!" Inagaw ko ang gitara sa kanya.

Wala siyang nagawa. Hinayaan niya akong gamitin ito. Habang kinakalabit ko ang gitara ay may lumapit sa amin. Naka-PE uniform siya. Ang kanyang may kahabaang buhok ay two pigtails. Tanging lip tint lang ang gamit.

Mabilis na tumabi sa akin si Clyde at ngayon ay ngingiti na siya.

"Hi, Ashley Bree!" bati niya.

Nginitian siya ni Ashley bago bumaling sa akin.

"Ashleigh, may nagreklamo sa Dean's Office ngayon lang na binugbog mo raw siya," aniya. Mas lalo siyang lumapit. Umupo siya sa harap ko at ayan na naman ang ngiti niya sa labi na pinapahiwatig na hindi niya ako titigilan. The courageousness in her smile somewhat irritates me. "Ash–,"

"Alam mo ba ang buong nangyari?" pagputol ko.

Nagpalit-palit ang kanyang tingin sa amin ni Clyde at hindi malaman kung saan titingin. Bababa ba ng tingin o sa akin lang ituon ang mata. Ang kanyang ngiti ay may bahid ng pagkahiya at halatang hindi na alam ang susunod na sasabihin.

"Ash.." pasaway na sambit ni Clyde. Bahagya niya pa akong siniko.

"Kung hindi 'wag niyo 'kong malapitan. Hindi porke narinig niyo ang reklamo niya kasalanan ko na."

"Ano Ashleigh.." hindi niya alam ang sasabihin.

"Umalis ka na.. balikan mo na lang ako rito kapag nagsabi na siya ng totoo sa nangyari."

Ngumiti siya ulit pero hindi na iyon kasing ganda ng natural niyang ngiti. Ando'n na ang pagkapahiya bago siya umalis.

Hinarap ako ni Clyde na masama ang tingin.

"Ano?" Asik ko.

"Napaaway ka?"

Hindi ko na lang siya pinansin. Padarag siyang tumayo at muling umupo sa harapan ko. Kinuha niya ang paa ko at inalis ang mahabang white knee sock ko. Dumilim ang kanyang ekspresyon nang makita ang iilang sugat, ang iba ay dumudugo pa sa paa ko. Hindi naman dumudugo 'yan. Pero dahil sa paghampas niya kanina ng gitara siguro bumalik.

"Anong nangyari?"

Inalis ko ang kamay niya at muling tinaas ang medyas. Nakuha niya agad na may tinatago akong sugat sa paa dahil hindi naman ako sumusuot ng mahahabang medyas.

Dear, Best Friend (Completed)Where stories live. Discover now