Ninth Page

83 40 9
                                    

Trigger Warning: Self-harm

"Kayo na ba ni Ashley Bree?" Tanong ko sa kan'ya nang makarating sa tapat ng aming mga bahay.

May munting ngiti siya sa labi nang bumaling. Tumikhim siya at pinilit ang sariling h'wag ngingiti pero tinatryador siya ng kaligayahan kaya napapangiti pa rin ito.

May sama ng loob pa rin akong nararamdaman sa nangyari kanina sa competition pero gusto kong malaman ang bumabagabag sa akin. Kung masasaktan man ako sa sagot niya, ayos na. Isang iyakan na lang pagkarating ng kwarto. Isama ko na sa sama ng loob.

"Hindi, ba't mo naman natanong?"

Hinarap ko siya at pinagkrus ang braso. Tumaas ang dalawang kilay niya sa inasta kong iyon.

"Kung magdikitan kayo kaninang dalawa tinalo n'yo pa ang mag-syota."

"Bakit? Bawal ba?" Pinanliitan niya ako ng mata. "Teka nga.." linakbay ng paningin niya ang mukha ko. "Nagseselos ka ba?"

Nanlaki ang mata ko at tinulak siya. "Ang k-kapal naman ng m-mukha mo! Ba't naman ako m-magseselos? Dinaig mo pa ang c-crush ko noong-,"

Naputol ang ibang sasabihin ko nang tumawa siya nang malakas. "Hindi mo kailangang magselos kasi kahit maging kami tatandaan ko pa ring ikaw ang mas nauna." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Mas nauna si ABC kaysa ABP."

Nagbaba ako ng tingin. Sinasabi mo lang naman 'yan para pagaanin ang loob ko. Pero alam ko na sa oras na maging kayo, makakalimutan mo ako. 

Hindi ko na lang dinibdib 'yon kasi kapag nagkataon nga na mangyari ang makakasakit sa akin, alam ko kung saan na lang ako lulugar.

"Tara, doon muna tayong 7/11." 

Nauuna siya sa paglalakad habang may tinitipa sa cellphone. Napapabuntong-hininga na lang ako kasi pakiramdam ko, ano mang oras ay tutulo na ang luha ko. Kanina ko pa 'to pinipigilan. Akala ko naubos na pero kapag naaalala ang pagpahiya sa akin ni Kuya, parang isang galon ang lalabas na tubig sa mata ko.

Tahimik kaming naglalakad. Sumusulyap lang ako sa kan'ya kapag tumatawa siya. Kausap niya na si Ashley sa cellphone.

"Oo. Hindi pa, doon muna kami magpapalipas ng gabi. Hindi naman. Siguro, sasamahan ko muna baka iiyak, 'e. Haha, okay. Sweet dreams." Binaba niya na ang tawag at tinago ang cellphone.

"Ako ba ang pinag-uusapan n'yo?"

"Hindi, ah!" Sagot niya. "Pero seryoso kaya, 'wag kang magselos sa kan'ya. Hindi naman ako 'gaya ng ibang kaibigan na mang-iiwan sa oras na makahanap ng girlfriend."

Daling sabihin para sa 'yo kasi 'di mo alam ang nararamdam ko. Hindi ako natatakot na magka-girlfriend ka at mas pipiliin mo siya. Nasasaktan ako kasi hindi ko kayang isatinig ang pagmamahal ko sa 'yo kasi nga magkaibigan tayo. 

Kung may iba mang makarinig sa 'yo, Clyde, baka sinapak ka na. Sobrang red flag ng mindset mo. Gusto ko tuloy tawanan ang sarili bakit ako gustong-gusto sa 'yo. Flagpole na ata ako pagdating sa 'yo.

"Clyde," tumigil ako sa paglalakad. Tumigil din siya at liningon ako. Sinalubong ko ang mga mata. "Paano kapag ako ang makapag boyfriend.. iisipin mo rin bang hindi na kita kakausapin?"

Semeryoso siya. Pinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa. "Hindi.." lumapit siya. "Kasi una sa lahat walang magkakagusto sa 'yo."

Sumama ang mukha ko nang tumawa siya ng nang-iinsulto. Tinaas ko ang kamao at sinapak siya sa mukha kaya natigil siya sa kakatawa.

"Hoy! Hintayin mo ako!" Humabol siya sa akin. "Ba't ba ang seryoso mo ngayon? Para ka'ng jowang nagseselos."

Hindi ko mapigilang mag-ikot ng mata. "Tangina mo."

Dear, Best Friend (Completed)Where stories live. Discover now