(Bret's POV)
Bakit kaya hindi sinabi sakin ni Renzo na magpinsan sila ni Jared?Andami ko pa namang sinabi dun tungkol sa kanya.Baka mamaya sinabi niya na kay Jared yung nararamdaman ko para sa kanya!Naku lagot talaga yun sakin.Pero parang..kung sasabihin niya kay Jared yung lihim ko eh di mas makakahinga na ako nang maluwag kasi alam na ng taong mahal ko na mahal ko siya.Pero pano naman kung ayaw ni Jared?Pano kung dahil dun maging awkward na talaga kami?Pano kung wala talagang gusto sakin si Jared?Hayy!Ano ba 'tong mga naiisip ko?Renzo naman kasi eh!
Sana makita ko si Jared ngayon.Paano ko ba siya makakausap ng hindi nagigng brutal sa kanya?Nakakasawa kasi yung palagi nalang kami nagbabangayan.Kailan ko ba kasi maipagtatapat yung lihim kong pagtingin sa kanya?Jared mahal kita at di ko alam kung bakit nababaliw ako sayo ng ganito!
"Ahh!Ano ba yan?"S-si Jared?
"A-ahh s-sorry!"Hala hindi ko alam ang gagawin ko!Bakit parang bigla nalang akong kinabahan?Feeling ko alam niya na.
"Hoy!Bakit ka natulala diyan?"
Dahil sa pagkagulat ko ay bigla nalang akong napatakbo.Putik!Anong nangyari sakin?Argh!Ang awkward ng kilos ko ngayon.Baka nahalata niya ako.
**********
(Jared's POV)
"Anak ng!Arghh!KUYA RENZ!!!!!!!!!"Nakakainis naman oh!Punta na nga ako sa room ko.Saan kaya yun?
"Ahh!Ano ba yan?"Bigla nalang kasing may bumangga sakin.
"A-ahh s-sorry!"Hala si Bret pala.Bakit parang ang weird niya ngayon.Dati kasi kapag nagkikita kami inaaway niya na ako agad.
"Hoy!Bakit ka natulala diyan?"Pagkasabi ko nun ay bigla nalang siyang tumakbo.
"Hala siya!Ano kayang nangyari dun?"
_____________________________________________________________________________
A/N
Next time nalang ulit!

BINABASA MO ANG
fantasy into reality
Teen FictionFantasy into Reality is all about a girl na inlove sa kanyang kababata,na nakatakdang ipakasal sa kanya.Kung iisipin para talaga silang itinadhana kasi ipinagkasundo sila ng kanilang mga ama na magpakasal kapag nasa tamang edad na sila for a busines...