(Janell's POV)
"Just call me Hans,short for handsome.Kunwari na lang first kiss yung surname ko tutal naman ako yung first kiss mo.Haha,bye miss beautiful rapist."Sabi niya na hindi parin inaalis ang pilyo niyang ngiti bago tuluyang umalis.
Naiwan naman akong tulala.Hindi ako makapaniwala sa nangyari.Isang mysterious stranger ang kumuha ng first kiss ko.
"Ahh miss,ok ka lang?"Takang tanong ng isang babae sakin.
"O-Oo,ok lang ako."Sagot ko habang nakatulala parin
"Sure ka ba?"Alalang tanong ulit ng babae na ngayon ko lang napansin ang kagandahan na mas lalong nagpatulala sakin."Hey,gusto bang dalhin kita sa clinic?"
"Ahh hindi na po.May pasok pa ako eh."
"Ganun ba?Pero kung hindi mo naman kaya hindi mo naman kailangan pilitin.Gusto mo kausapin ko professor mo?"
"Huh?Wag nalang nakakahiya naman."
"Wag ka na mahiya.Akong bahala sayo."
"Oh sige.Pero saan tayo pupunta?"
"Basta."Sabi niyang nakangiti.Hindi naman siguro ako nito kikidnapin.
************
(Amanda's POV)
"Kapag hindi ako ok dito ako pumupunta."
"Bakit?"
"Hindi ko alam pero tuwing nilulob-lob ko dito yung mga paa ko narerelax ako.Lalo na kapag lumalangoy ako feeling ko nawawala lahat ng problema ko.Alam mo may naging kaibigan nga ako dati kasi sinagip ko siya nung muntik na siya malunod sa pool.Kaso sandali lang kaming naging magkaibigan..Bawal kasi."
"Bakit naman?"
"Mahabang kwento.Oo nga pala,anong name mo?"
"Janell,ikaw?"
"Ammy nalang.Di ka ba nagtataka kung bakit sayo ko kinuwento yun?"
"Oo nga eh,bakit nga pala?"
"Di ko alam pero nung makita kita feeling ko mapagkakatiwalaan kita.Alam mo bang sa'yo ko lang naikuwento yun."
"Ohh?"O__O"Eh yung mga friends mo?Di mo ba sila mapagkakatiwalaan?"
"No,I don't even feel na true friend ko sila eh.Tsaka mas masarap magkuwento sa di mo kakilala."
"Ahhh..pero bakit mo naman nasabi na hindi mo ramdam na totoo yung mga kaibigan mo sayo?"
"Hindi naman talaga eh.Para silang mga body guard.Alam mo ba na Daddy ko ang pumili sa kanila?Pati pagpili ng kaibigan siya ang nagdedesisyon."
"Huh?Bakit naman ganun?"
"Oo nga eh.Kaya nga hindi exciting ang buhay ko.Wala akong karapatang mamili at magdesisyon para sa sarili ko."
"Oo nga,mahirap mabuhay kapag may komokontrol sa'yo."
"Eh ikaw?Magkuwento ka naman tungkol sayo."
"Ako?Masaya naman pero minsan parang may kulang.Siguro ganun talaga,hindi perfect yung buhay."
"Pano mo naman nasabi na may kulang?"
"Si papa kasi feeling ko may tinatago sakin."
"Bakit mo naman nasabi?"
"Di ko lang alam."
____________________________________________________________________________________

BINABASA MO ANG
fantasy into reality
Novela JuvenilFantasy into Reality is all about a girl na inlove sa kanyang kababata,na nakatakdang ipakasal sa kanya.Kung iisipin para talaga silang itinadhana kasi ipinagkasundo sila ng kanilang mga ama na magpakasal kapag nasa tamang edad na sila for a busines...