(Janell's POV)
Recess!Favorite subject ng karamihan.Haha.Mas masaya siguro kung may kaibigan na ako.Wala pa kasi akong nagiging close sa mga bago kong kaklase.
"Janell!"Tawag sakin ng isang babae
"Uy!Ella!"Sa wakas may kasama na rin ako!"Kumusta ang pagpasok?Galing naman,may Friend ka na agad."Sabay tabi ko sa kanya.
"Pinalabas nga kami eh."
"Hala bakit?"
At kinuwento nga niya ang nangyari.Kawawa naman si Ella.
"Sino nga pala kasama mo?Bat mag-isa ka lang?"
"Ah eh wala pa akong mga kaibigan eh."
"Ah ganun ba?Sama ka na lang samin.Ahm Janell si Jared nga pala,Jared si Janell."Pagkasabi ni Ella ay nakipagkamayan ako sa kasama niya.Mukha namang mabait si Jared.
Habang nag-uusap usap kami nina Ella at Jared sa may 2nd floor ng campus namin,may naramdaman akong parang may nakatingin sakin.Tinignan ko ang paligid pero wala akong nakita.Pero hindi nawala yung nararamdaman ko.
"Hala may kuting dun sa may sanga ng puno oh!Kawawa naman hindi siya makababa."Sabi ni Ella na may pag-aalala.
"Hala oo nga!"-Jared
"Meow!Meow!Meow!"
Naawa ako sa kuting kaya sinubukan ko siyang abutin kaso hindi ko siya maabot.Nagsimula na akong umakyat para masagip yung pusa,kaya nga lang nung hawak ko na siya bigla na lang akong nadulas at nawalan na ako ng pagkakataon na makakapit kaya pumikit nalang ako habang yakap yung pusa.
Akala ko mamamatay na ako pero may sumalo sakin.Pagkamulat ko sa mga mata ko ay may nakita akong hindi pamilyar na mukha.
Matagal-tagal kaming nagkatitigan at nang makarating na sa kinaroroonan namin sina Ella at Jared ay bigla na lang siyang umalis.
"Janell ok ka lang ba?"Halos sabay na tanong sakin nung dalawa.Hindi ko na sila nasagot kasi nandun sa lalaking sumalo sakin yung atensyon ko.
"Kuya wait lang po!"Tawag ko sa kanya pero hindi na siya lumingon at sa halip ay tumakbo palayo samin.
_____________________________________________________________________________
A/N
To be continue.Sorry po now lang nag-update.Busy po kasi eh.MAlapit na po kasi graduation namin.HAnggang sa muli!

BINABASA MO ANG
fantasy into reality
Teen FictionFantasy into Reality is all about a girl na inlove sa kanyang kababata,na nakatakdang ipakasal sa kanya.Kung iisipin para talaga silang itinadhana kasi ipinagkasundo sila ng kanilang mga ama na magpakasal kapag nasa tamang edad na sila for a busines...